Namaalam muna si Maymay Entrata sa kaniyang career bilang artista upang tuparin ang pangarap na makapag-aral sa Canada

Dream come true para sa young actress na si Maymay Entrata ang isang blessing na natanggap niya ngayong taon. Ito ay matapos niyang makompleto ang mga papeles at tuluyan na ngang lumipad abroad para maisakatuparan ang matagal na niyang pangarap sa buhay.


Photo Courtesy: Maymay Entrata | Instagram




Ayon sa kwento ng dalaga noon pa man ay gusto na niyang mag-aral sa ibang bansa at alam ito ng kaniyang ina dahil madalas niya itong banggitin lalo na noong hindi pa siya pumapasok sa showbusiness industry. Isa ang pangarap na ito sa mga dahilan kung bakit talaga namang nagsusumikap si Maymay at nag-desisyon ngang sumali sa Pinoy Big Brother.


Photo Courtesy: Maymay Entrata | Instagram


Photo Courtesy: Maymay Entrata | Instagram

Sa kaniyang life update ay ibinahagi ng aktres na maganda ang buhay niya sa Canada at noong una ay halos hindi siya makapaniwala na natupad na ang kaniyang wish. Super excited nga siyang makakilala ng mga bagong kaibigan at maliban sa pag-aaral ng kolehiyo ay gusto niya ring mapuntahan ang iba pang magagandang lugar sa nasabing bansa.





Photo Courtesy: Maymay Entrata | Instagram


Photo Courtesy: Maymay Entrata | Instagram

“Ang buhay ko rito sa Canada ay masayang-masaya. Kasi parang matagal ko na po talagang pinlano na mag-study abroad.”, kwento ng aktres Samantala, maliban dito ay lubos ding nagpapasaya kay Maymay ang kaniyang non-showbiz at foreigner boyfriend na kilala sa pangalang Aaron.


Photo Courtesy: Maymay Entrata | Instagram


Photo Courtesy: Maymay Entrata | Instagram

Matatandaan na noong Valentines day ay ibinahagi niya ang kanilang sweet photos na inulan naman ng komento mula sa mga netizens. Sunod-sunod rin ang pagpasok ng blessing sa kaniyang showbiz career at bago nga lumipad papuntang Canada ay umabot ng mahigit 12 million views ang music video ng kaniyang hit single na “Amakabogera”. Mapapanuod ito sa official YouTube channel ng Star Music.


Photo Courtesy: Maymay Entrata | Instagram


Photo Courtesy: Maymay Entrata | Instagram

Talaga namang mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na edukasyon. Sa katunayan kahit nga mga kilalang celebrities sa ating bansa tulad ni Maymay ay alam ang bagay na ito. Kaya naman ganoon nalang ang pagsusumikap niya na pagsabayin ang kaniyang pagtatrabaho bilang artista at pag-abot sa kaniyang mga pangarap. Ano kaya ang kursong kinuha ni Maymay sa Canada?




Leave a Reply

Your email address will not be published.