Ito na ngayon ang buhay ng napakaguwapong aktor at 90’s Heartthrob na si Jestoni Alarcon

Ang karamihan sa mga kilala nating artista noong 90’s ay unti-unti nang nawawala o lumilisan sa showbiz. Ito ay dahil may iba na silang pinagtutuunan ng pansin tulad ng pamilya o business. Gayunpaman ang mga tagahanga ng mga artistang ito ay patuloy pa din na yumayabong.


Photo Courtesy: Jestoni Alarcon | Instagram





Photo Courtesy: Jestoni Alarcon | Instagram

Matagal man natin silang hindi nakikita sa ating mga paboritong programa ay patuloy pa din ang ating pagmamahal sa kanila. Kung kaya hanggang sa kanilang mga social media ay patuloy din natin silang sinusundan upang maging updated sa mga latest na kaganapan sa kanilang buhay. Tulad na lamang ng isa sa mga sikat na matinee idol noong 90’s na si Jestoni Alarcon.


Photo Courtesy: Jestoni Alarcon | Instagram

Nakilala ang aktor dahil sa dami ng mga proyekto na kanyang kinabilangan at dahil na din sa galing niya sa pag-arte at walang kakupas-kupas na kagwapuhan. Ngunit tulad din ng ibang artista ay nagpasya na din itong lisanin ang showbiz upang subukan ang ibang larangan na kumuha ng kanyang atensyon.


Photo Courtesy: Jestoni Alarcon | Instagram

Matapos niya lisanin ang showbiz ay nagpasya ang dating aktor na pasukin ang pagiging pulitiko. Hindi naman siya nabigo dahil nanalo siya bilang konsehal noon sa siyudad ng Antipolo. Nang matapos ang termino niya sa pagiging konsehal ay muli siyang tumakbo ngunit sa mas mataas na posisyon at ito ay ang pagiging gobernador ng probinsya ng Rizal.


Photo Courtesy: Jestoni Alarcon | Instagram




Hindi pa dito natatapos ang kanyang paglalakbay sa mundo ng politika dahil naging board member din siya sa unang distrito ng Rizal. Sa haba ng panunungkulan ng aktor sa mga mamamayan ay marami na itong nagawang bagay na nakatulong ng labis sa kanyang nasasakupan.


Photo Courtesy: Jestoni Alarcon | Instagram

Sa kanilang social media naman ay kapansin-pansin ang saya sa mukha ng pamilya ni Jestoni lalo na ng kanyang asawa na si Lizzette Capili na dating modelo at Beauty Queen. Makikita din sa litrato ang mga anak ni Jestoni at Lizette na sina Jessica, Angela at Anthony na talaga namang nagmana sa kagwapuhan at kagandahan ng kanilang mga magulang.


Photo Courtesy: Jestoni Alarcon | Instagram

Dahil sa taglay na kagwapuhan at ganda ng mga anak ni Jestoni at Lizzette, unti-unti na itong nakikilala nang mga tao. Dahil sa mga nagawang maganda ni Jestoni sa kanyang mga nasasakupan ay patuloy na namumukadkad ang pagmamahal ng bawat mamamayan sa kanya at sa kanyang pamilya.


Photo Courtesy: Jestoni Alarcon | Instagram

Tunay na isang inspirasyon sa buhay natin ang pamilya ni Jestoni dahil hindi lamang ang pagkakaroon ng magandang physical na kaanyuan kundi pati narin ang pagkakaroon ng busilak na kalooban.




Leave a Reply

Your email address will not be published.