Kamustahin ang buhay na ngayon ng dating sikat na mananayaw ng Wowowee na si Luningning

Inspirasyon para sa nakararami ang TV show ng kilalang host na si Willie Revillame dahil hindi lang entertainment ang hatid niya sa publiko kundi pati na rin ginahawa sa buhay. Sa katunayan, hindi na mabilang ang mga taong kaniyang natulungan at ang ilan pa nga sa kanila ay naging sikat pa sa mundo ng showbiz.


Photo Courtesy: Lea Carla Santos | Instagram




Isa na nga dito ang dancer na si Luningning o mas kilala rin sa totoong pangalan na Lea Carla Santos. Naging miyembro siya noon ng ASF Dancers at naging regular nga sa nasabing show. Talaga namang hindi biro ang kaniyang talento sa pagsayaw at ayon sa mga interviews bata pa lang ay nakahiligan na talaga ito ni Lea.


Photo Courtesy: Lea Carla Santos | Instagram

Samantala, bago siya pumasok sa Wowowee ay nagkaroon na din siya ng pagkakataon na makapagperform sa Japan. Kaya naman nang umuwi sa bansa ay hindi siya nahirapan sa paghahanap ng trabaho. Naging highlight din siya sa Wowowee dahil sa kaniyang signature hot moves na may kasama pang cartwheel at split. Ito ang ginagawa niya bago ibigay kay Willie ang pera para sa mga contestants.


Photo Courtesy: Lea Carla Santos | Instagram


Photo Courtesy: Lea Carla Santos | Instagram

Ngunit kasabay ng pagtatapos ng Wowowee ay natapos na rin ang trabaho ni Luningning at hindi na ito bumalik pa sa entertainment industry. Sa halip ay nagtayo siya ng sariling negosyo na tinawag niyang “StarDanz Fitness Studio”.


Photo Courtesy: Lea Carla Santos | Instagram




Sa business na ito ay naipapamalas pa rin ang kaniyang talento sa pagsayaw dahil mayroon silang mga ehersisyo para sa mga kababaihan. Ilan nalang dito ang tinatawag na Aerial Silk, Belly Dancing, Kali Pole, Jazz Dance, Dance Fitness at Pilates.


Photo Courtesy: Lea Carla Santos | Instagram


Photo Courtesy: Lea Carla Santos | Instagram

Hanggang ngayon ay kapansin-pansin na parang walang nagbago sa hubog ng katawan ni Luningning at toned pa din ang kaniyang mga muscles. Samantala, sa kabila ng kaniyang kagandahan ay nanatili pa ring single si Lea.


Photo Courtesy: Lea Carla Santos | Instagram


Photo Courtesy: Lea Carla Santos | Instagram

Marami ang nagpapakita sa kaniya ng interes ngunit sa ngayon ay masaya siya sa estado ng kaniyang buhay at para nga sa kaniya ay pwede namang maging masaya kahit na wala kang kasintahan.




Leave a Reply

Your email address will not be published.