Sa muli ay masayang inilibot ng kilalang singer na si Yeng Constantino ang mga netizens sa halos katatapos lang nilang Farm House ng asawa na si Yan Asuncion. Ito ay matatagpuan sa kanilang bayan sa Quezon Province at talaga namang ibang-iba ang vibe nito kumpara sa bahay nila sa Manila.
Photo Courtesy: Yeng Constantino | Instagram
Ayon kay Yeng matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng “rest house” lalo na at hindi maiiwasan na maging stressful ang mga trabaho nila sa syudad. Kaya naman ngayon na naisakatuparan na ito ay super excited siya at naging katuwang nga ni Yan sa plano at pag-design ng kanilang bahay sa probinsiya.
Photo Courtesy: Yeng Constantino | Youtube
Photo Courtesy: Yeng Constantino | Youtube
“Tapos na ang farmhouse namin. Tagal ko nang dream magkaroon ng tiny home katulad ng napapanuod ko sa YouTube. At last ito meron na!!!”, masayang pagbabahagi nito sa social media.
Una niyang ipinakita ang malawak nilang balkonahe na paikot sa buong bahay.
Photo Courtesy: Yeng Constantino | Youtube
Photo Courtesy: Yeng Constantino | Youtube
Plano nila ni Yan na gawin itong mala-coffee shop kung saan pwede silang mag-work from home ng kanilang mga kaibigan habang nagbabakasyon. Kapansin-pansin naman ang kanilang pintuan na gawa sa kahoy dahil ginawa nila itong sliding door o mas kilala rin sa tawag na “barn door”.
Photo Courtesy: Yeng Constantino | Youtube
Maliit lang ang espasyo sa loob ngunit maganda ito dahil high ceiling design ang napili ng mag-asawa at nilagyan pa nila ito ng palamuti na banig. Katabi ng kanilang sala ang kusina na mayroong open shelves kung saan ilalagay ng singer ang kaniyang mga plato at baso na siya mismo ang bumili sa IKEA.
Photo Courtesy: Yeng Constantino | Youtube
Samantala, nagdesisyon naman sina Yeng na lagyan ng malalaking bintana ang palibot ng kanilang bahay para makapasok ang fresh air at natural lights.
Photo Courtesy: Yeng Constantino | Youtube
Photo Courtesy: Yeng Constantino | Youtube
Maliit man ang bahay na ito pero dito natupad ang pangarap ni Yeng na magkaroon ng “outdoor bathroom”. Syempre hindi rin mawawala ang kanilang “mini bedroom” na isa rin sa mga paborito niyang lugar sa loob ng bahay.
Photo Courtesy: Yeng Constantino | Youtube
Talaga namang very relaxing ang vibe ng “farm house” nina Yeng at Yan at maliban sa mga puno sa paligid at mayroon din silang mga alagang hayop.