Nakahiligan ng aktor na si Coco Martin ang gardening sa kaniyang tahanan sa tuwing wala itong trabaho

Malayong-malayo sa kaniyang pagiging action star ang pinagkaka-abalahan ngayon ni Coco Martin. Paano naman kasi sa tuwing wala siyang trabaho o taping ay madalas itong makita sa bakuran ng kaniyang bahay. Dito siya nagpapalipas ng oras hindi lang para mag-relax kundi para na rin alagaan at mas lalo pang paramihin ang kaniyang mga pananim.


Photo Courtesy: Coco Martin | Instagram




Mayroon ngang “mini garden” ang aktor sa gilid ng kaniyang mansyon na matatagpuan sa Quezon City at muli niyang pinatunayan na posible talaga ang tinawag na “urban farming”.
Sa mga ibinahagi niyang larawan sa social media ay makikita na halos kulay berde ang lahat ng puno at gulay na nakatanim sa kaniyang hardin.


Photo Courtesy: Coco Martin | Instagram


Photo Courtesy: Coco Martin | Instagram

Ilan na nga dito ang papaya, ampalaya, talong, pechay at iba pang gulay na paborito niyang kainin tulad ng kamatis, sitaw at pipino. Halos kumpleto na nga ang kaniyang mga pananim na gulay. Hindi rin mawawala ang naglalakihang puno kagaya ng mangga na siyang nagbibigay ng lilim sa lugar.


Photo Courtesy: Coco Martin | Instagram


Photo Courtesy: Coco Martin | Instagram




Samantala, maliban sa narerelax ang 35-year old actor sa kaniyang “mini garden” masayang-masaya ito dahil fresh ang mga gulay na kaniyang kinakain at mapipitas lang ito sa gilid ng kanilang bakuran. Malaking tulong din ito sa kaniya lalo na noong nagkaroon ng mga health protocols at lockdown sa syudad.


Photo Courtesy: Coco Martin | Instagram

Hindi biro ang panahon na ginugol ni Coco Martin sa pagtatayo ng kaniyang maliit na hardin at marami ngang netizens ang nakapansin sa pagiging organized nito. Mayroon kasing sapat na agwat at layo ang bawat pananim at nilalagyan niya rin ito ng tamang mga kagamitan para tumubo ng maayos tulad nalang ng mga kahoy para sa kaniyang sitaw at ampalaya.


Photo Courtesy: Coco Martin | Instagram


Photo Courtesy: Coco Martin | Instagram

Mas lalo pa ngang hinangaan ang aktor dahil sa gilid ng kaniyang “mini garden” ay nagtayo rin siya ng bahay kubo. Dito niya madalas na dinadala ang kaniyang mga bisita at dito na rin sila kumakain ng mga nilutong pagkain na mula mismo sa kaniyang hardin. Talaga namang kapag mayroon kang itinanim ay mayroon ka ring aanihin.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *