Kim Chiu, ibinahagi ang muling pagsasama-sama ng kaniyang mga high school friends sa Cebu

Sa bawat yugto ng buhay natin ay may mga makakasalamuha at makakasama tayong mga tao na siya nating masasandalan sa mga oras na nag-iisa tayo at magbibigay ng saya at pagmamahal.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Instagram




Isa sa mga masasayang ala-ala at hindi malilimutan sa buhay ng bawat tao ay ang mga naging karanasan natin noong nag-aaral pa lamang tayo. Nandiyan ang asaran, iyakan at higit sa lahat ang pagmamahal ng mga tunay na kaibigan.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Instagram

Kamakailan lamang ay masayang ibinahagi ng Chinita Princess na si Kim Chiu sa kaniyang Instagram account ang mga larawan ng muli nilang pagsasama-sama ng kaniyang mga high school friends sa Cebu.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Instagram

Ayon sa aktres, ang kanilang muling pagkikita at pagsasama-sama ay isa sa mga pinakamagandang regalong natanggap niya sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Instagram

Ang nasabing post ay may caption na, “isa sa pinakamaganda at hindi malilimutang regalong ibinigay at ipinagkaloob sa kaarawan ko ay ang makasama ko ulit ang aking mga kaibigan kahit saglit lang, aniya”.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Instagram




Saad pa ni Kim Chiu ay sobrang saya niya kahit na sa maikling oras at panahon na ginugol niya upang makasama ang kaniyang mga kaibigan.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Instagram


Photo Courtesy: Kim Chiu | Instagram

Liglig, siksik at umaapaw ang pagdiriwang niya ng kaniyang kaarawan dahil sa hindi malilimutang taunang birthday charity event, at pagtanggap ng mga surprise birthday treat galing sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta at maliban pa dito ay ang pagdalo niya pa sa isa pang surprise birthday party at bukod pa sa iba.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Instagram


Photo Courtesy: Kim Chiu | Instagram

Kaya naman, sa lahat ng ibinigay sa kaniyang materyal man na bagay o pagmamahal ng mga taong malapit sa kaniya at sa mga ipinaranas sa kaniya sa araw ng kaniyang kaarawan ay hindi niya nakalimutang ipahayag ang kaniyang taos pusong pasasalamat at pagmamahal sa mga taong naging parte at ginawang memorable ang kaniyang birthday.


Photo Courtesy: Kim Chiu | Instagram

Nakatanggap siya ng birthday messages mula sa kaniyang kasintahan na si Xian Lim at mula sa Besi Presidente na si Maam Leni. Ipinagdiriwang ni Kim Chiu ang kaniyang ika-32 kaarawan noong nakaraang Abril 19, 2022.




Leave a Reply

Your email address will not be published.