Sulyapan ang buhay na ngayon ng dating aktor na si Dino Guevarra na malaki ang pagkakahawig kay Peter Parker ng Spiderman

Noong 90’s ay ang panahon na kung saan maraming nagpakilig at nagpahanga sa ating mga magulang. Ito ang taon kung saan maraming naglabasan na mga artista na siyang iniidolo ng ating mga magulang magpahanggang ngayon.


Photo Courtesy: Dino Guevarra | Instagram




Ang iba sa kanila ay atin ding nakilala dahil sa pananatili nila sa showbiz. Ngunit ang karamihan sa mga artista na ito ay pinili ang buhay na malayo sa mundo ng showbiz at harap ng kamera.


Photo Courtesy: Dino Guevarra | Instagram

Gayunpaman ay nananatili pa din ang ating paghanga sa kanila at umaasa na sana ay makita muli sila sa harap ng kamera at mapanood sa telebisyon. Tulad na lamang ng isa sa mga sikat na dancer at artista noong 90s na si Dino Guevarra.


Photo Courtesy: Dino Guevarra | Instagram

Matapos niyang lisanin ang mundo ng showbiz ay napabalitang tahimik at maganda na ang takbo ng kanyang buhay ngayon. Sa mga tao na hindi nakakakilala sa napakagaling na artista at dancer na ito. Siya ay sumikat noong 90s at napabilang sa mga iba’t ibang sikat na programa tulad ng TGIS.


Photo Courtesy: Dino Guevarra | Instagram

Kung saan kasama niya dito ang iba ding mga bigating artista tulad nina Angelu De Leon, Michael Flores, Bobby Andrews at marami pang iba. Sa programang ito ay ginampanan niya ang karakter ni David na isang salesman sa isang flower shop. Dito nakatambalan niya ang isa sa mga sikat ding artista na si Kim Delos Santos.


Photo Courtesy: Dino Guevarra | Instagram




Ang kanilang Loveteam ay nagpakilig sa maraming tao at napunta ito sa isang kasalan. Ngunit tulad din ng ibang relasyon ay hindi ito nagtagal dahil naghiwalay ang dalawa noong 2003.


Photo Courtesy: Dino Guevarra | Instagram

Matapos ang kanilang hiwalayan ay muling bumalik sa showbiz si Dino at sumali sa isang reality Tv show na pinamagatang “30 days”. Nanalo siya sa patimpalak na ito at nabigyan ng pagkakataon na muli sumabak sa mundo ng showbiz industry.


Photo Courtesy: Dino Guevarra | Instagram

Hindi din nagtagal ay muling umalis ang aktor at tuluyan na ding nagkipaghiwalay sa kanyang asawa na si Kim. Matapos ang ilang taon ay naging kasintahan niya si Monica De Leon at nagkaroon sila ng dalawang anak na lalaki na sina Ethan at Miguel.


Photo Courtesy: Dino Guevarra | Instagram

Hindi din nagtagal ay naghiwalay din sila ni Monica at bumuo ulit ng pamilya na hindi kabilang sa showbiz. Nagkaroon din siya ng dalawang anak dito na si Joaquin at Annika.


Photo Courtesy: Dino Guevarra | Instagram

Kasalukuyang tahimik at maganda ang pamumuhay ng aktor kasama ang kanyang pamilya. Marami naman sa mga tagahanga niya ang umaasa na makita muli siya sa showbiz.




Leave a Reply

Your email address will not be published.