Isa na namang pangarap ang natupad ng aktor na si Baron Geisler at sa sobrang tuwa ay agad niya itong ibinahagi sa social media para na rin makita ng kaniyang mga fans.
Photo Courtesy: Baron Geisler | Instagram
Nagtapos si Baron ng kursong Bachelor of Arts in Theology sa All Nations College sa Antipolo City. Suot ang toga at salamin ay magiliw siyang umakyat ng stage para sa kanilang graduation ceremony na ginanap noong April 25,2022.
“My journey has reached its goal, and opened a way before me. Thank you Lord!”, caption ng aktor sa ilang mga ibinahaging larawan online.
Abot-langit nga ang kaniyang pasasalamat dahil sa wakas ay naisakatuparan na ang isa sa matagal na niyang pangarap.
Photo Courtesy: Baron Geisler | Instagram
Ayon kay Baron 2019 pa siya nagsimulang mag-aral at aminado na marami siyang sakripisyong ginawa para mapagsabay ang trabaho, pamilya at pag-aaral. Ngunit sa kabila nga ng mga paghihirap ay mas nangingibabaw sa kaniya ang kaligayan dahil mayroon siyang mga bagong natutunan at naging kaibigan.
Photo Courtesy: Baron Geisler | Instagram
Samantala, lubos din siyang nagpapasalamat sa kaniyang mga guro na talaga namang ginagawa ang lahat para maturuan ang mga estudyante sa tama at maayos na paraan.
Photo Courtesy: Baron Geisler | Instagram
“Doc. Eph, maraming salamat po! 2019 tayo nagstart at heto na po, nasagot ng Panginoon ang aking pangarap na makapagtapos ng kolehiyo,”, dagdag pa ng aktor.
Kaliwa’t kanan ang mga natanggap niyang pagbati mula sa mga fans at kahit mga katrabaho sa industriya ng show business ay masayang-masaya rin para sa kay Baron.
Photo Courtesy: Baron Geisler | Instagram
Samantala, hindi naman maiwasan ang ilang concerned netizens na magtanong kung bakit wala ang asawa ni Baron sa kaniyang mahalagang araw. Ganoon pa man, hindi na sinagot pa ng aktor ang patungkol sa bagay na ito.
Photo Courtesy: Baron Geisler | Instagram
Sa ngayon ay wala pang update si Baron kung ano ang susunod niyang hakbang matapos magkamit ng Bachelors degree. Talaga namang “It’s never too late” at walang pinipiling edad kung kailan mo uumpishan ang pag-abot sa iyong mga pangarap. Ang mahalaga determinado kang matapos ito at makita ang magandang bunga ng iyong mga pinaghirapan.