“The Struggle Is Real” Sheena Halili ibinahagi ang mga challenges sa tuwing regular Check-up ni Baby Martina

Bukas sa publiko ang celebrity-mom na si Sheena Halili at simula nga nang magkaroon ng anak ay mas lalo pa siyang na-engage sa social media kung saan mas marami siyang nakakausap na kapwa nanay. Dito siya nakakakuha ng mga ideya at inspirasyon kung papaano mas mapapabuti ang kaniyang pagiging ina sa kaniyang unica-hija na si baby Martina.


Photo Courtesy: Sheena Halili | Instagram




Simula sa kaniyang pregnancy journey ay lagi ng updated ang aktres sa kaniyang mga fans at talaga namang ibinabahagi niya ang bawat milestone na pinagdadaanan nilang mag-ina. Ilan nalang dito ang mga gabi na wala siyang tulog dahil may nararamdaman ang anak o di kaya naman ay mga challenges na hinarap nila noong nakaraang taon dahil sa pandemiya.


Photo Courtesy: Sheena Halili | Instagram

Samantala, kamakailan lang ay muling nagkwento si Sheena patungkol sa mga hirap na kaniyang pinagdaanan habang sumasailalim si Martina sa kaniyang regular check-up.


Photo Courtesy: Sheena Halili | Instagram

“Height at weight palang hirap na kami. Di tulad dati na napaka-behave pa ni Martina. Ngayon alam na niya ang mangyayari pag pasok pa lang sa clinic ni doc”, pahayag ng aktres sa kaniyang social media account.


Photo Courtesy: Sheena Halili | Instagram


Photo Courtesy: Sheena Halili | Instagram




Noon ay easy lang kay Sheena ang pagdadala ng anak sa clinic dahil maliit pa ito at hindi pa gaanong nakaka-intindi kung ano ang ginagawa sa kaniya ng doktor. Ngunit ngayon ay marunong na itong makiramdam at madalas umiyak kapag nakikitang papasok na sila sa clinic.


Photo Courtesy: Sheena Halili | Instagram

Hangga’t maari ay sinisiguro ng aktres na nadadala niya ang anak sa doktor para mapasuri at mabigyan ng mga kinakailangan nitong vaccine habang lumalaki. Para kay Sheena mahalaga ito para sa anak lalo na at sa panahon ngayon ay parami na ng parami ang nagiging banta sa ating kalusugan.


Photo Courtesy: Sheena Halili | Instagram


Photo Courtesy: Sheena Halili | Instagram

Samantala, masayang-masaya ang aktres dahil maraming nanay ang naka-relate sa kaniyang kwento at ang ilan pa nga sa mga ito ay nagbigay ng payo para mapakalma ang anak habang nasa loob ng clinic.


Photo Courtesy: Sheena Halili | Instagram


Photo Courtesy: Sheena Halili | Instagram

Talaga namang hindi biro ang pagiging isang nanay at habang tumatagal ay mas lalo pang nagiging challenging ang kailangan nilang gawin para masigurong lumalaki ng tama at maayos ang kanilang mga anak.




Leave a Reply

Your email address will not be published.