Ito na ngayon ang napakagandang buhay ng dating aktres na si Cristina Gonzales

Kung batang 90’s ka, tiyak na alam mo ang nauuso noong kalendaryo na mayroong larawan ng naggagandahang mga babae. Sila ang mga kilalang mukha sa mundo ng entertainment industry at ang ilan nga sa ating mga kababayan ay kinokolekta pa ang lahat ng mga kalendaryong ito.


Photo Courtesy: Cristina Gonzales | Instagram





Photo Courtesy: Cristina Gonzales | Instagram

Samantala, pagdating sa usaping calendar girl ay tiyak na kilala diyan ang pangalang Cristina Gonzales. Isa siya sa mga kauna-unahang nagpa-uso ng magagandang larawan sa mga kalendaryo at dahil nga sa angking ganda at mestisang kutis ay hindi nakakapagtaka na marami ang humahanga sa kaniya.


Photo Courtesy: Cristina Gonzales | Instagram

Una siyang naging calendar girl ng sikat na inuming “white castle” at dito din siya unang nadiskubre para maging isang artista.
Noong una ay mahinging role pa lang ang ginagawa ni Cristina ngunit habang tumatagal ay nagkaroon siya ng lakas ng loob para sumabak sa mga daring roles.


Photo Courtesy: Cristina Gonzales | Instagram


Photo Courtesy: Cristina Gonzales | Instagram

Dahil nga dito ay mas lalong dumami ang kaniyang mga proyekto at ilan lang sa mga ito ang Matinik na Kalaban at Grepor Butch Belga Story noong 1995 na nasundan pa ng Bagamundo noong 1996. Hindi nga maikakaila ang angking galing niya sa pag-arte at tila ba nakuha niya ito sa kaniyang ama na na si Jose Mari Gonzales na isa ring matinee idol.


Photo Courtesy: Cristina Gonzales | Instagram





Photo Courtesy: Cristina Gonzales | Instagram

Ngunit sa kabila ng kaniyang kasikatan ay nagdesisyon si Cristina na iwanan ang mundo ng showbiz at magsimula ng panibagong buhay kasama ang asawa na si Alfred Romualdez, ang pamangkin ni Imee Marcos.


Photo Courtesy: Cristina Gonzales | Instagram

Dahil dito ay napasok na din siya sa pulitika at sa katunayan ay nagsilbi sa bayan bilang councilor ng Tacloban noong taong 2007. Naging maganda ang kaniyang pamumuno at muling hinalal ng mga tao bilang Mayor simula 2016 hanggang 2019.


Photo Courtesy: Cristina Gonzales | Instagram

Talaga namang napakalayo ng bagong buhay ni Cristina ngayon kumpara noong nag-uumpisa pa lang siya sa kaniyang karera bilang artista. Ganoon pa man, sa kabila ng paglipas ng panahon ay hindi pa rin kumukupas ang angkin niyang kagandahan na hanggang ngayon ay hinahangaan ng marami.




Leave a Reply

Your email address will not be published.