Ibinahagi ni Melai Cantiveros na pinalaki niya ang kaniyang mga anak na hindi mahilig sa mga materyal na bagay o luho

Bilang isang ina, walang ibang hangad ang dating PBB Big winner na si Melai Cantiveros kundi ang maibigay ang lahat ng mga bagay na makakapagpasaya sa kaniyang mga anak.


Photo Courtesy: Melai Cantiveros | Instagram




Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit ganoon nalang ang pagsusumikap na ginagawa nila ng partner na si Jason Francisco. Gusto nga ni Melai na maranasan ng mga bata ang mga bagay na hindi niya nagawa noon tulad nalang ng pamamasyal sa magagandang lugar o di kaya naman ay pagkakaroon ng maraming laruan o mga gamit.


Photo Courtesy: Melai Cantiveros | Instagram

Lahat ng ito ay naibibigay nila sa kanilang dalawang anak at lubos nila itong ipinagpapasalamat sa Panginoon. Ngunit habang lumalaki sina Mela at Stela ay napansin ni Melai na hindi nila masyadong binibigyan ng atensyon ang mga laruan at mga gadgets.


Photo Courtesy: Melai Cantiveros | Instagram


Photo Courtesy: Melai Cantiveros | Instagram




Ito ay madalas na mangyari kapag kasama nila ang kanilang mga pinsan at iba pang kamag-anak. Bata pa lang kasi ay nasanay na rin ang dalawa na makipaghalubilo sa ibang tao lalo na at madalas silang isama nina Melai at Jason sa probinsiya kung saan sila lumaki.


Photo Courtesy: Melai Cantiveros | Instagram

“..nakikitira kami ng mga anak ko sa lolo namin, ancestral house. Iniimmersion ko sila doon. Iyong buhay ko noon, iyon ang pinapa-experience ko sa kanila ngayon.”, kwento ng Magandang Buhay host.

Kahit si Jason ay suportado rin ang ganitong klase ng pagpapalaki sa bata dahil kagaya ni Melai ay laking probinsiya din siya. Nakita nila na malaki ang nagiging epekto ng gadget at laruan ngayon sa mga kabataan.


Photo Courtesy: Melai Cantiveros | Instagram

Kaya naman, habang maaga pa ay sinasanay na nila ang dalawa sa iba’t ibang gawain at mga laro na pwedeng gawin sa labas ng bahay. Minsan nga ay silang mag-anak pa ang naglalaro at isa ito sa mga paraan nila ng pagbibigay ng quality time sa mga bata sa kabila ng kanilang busy schedules.


Photo Courtesy: Melai Cantiveros | Instagram

Sa ngayon ay tinuturuan din nila si Mela at Stela kung papaano ang tamang pagkikitungo sa tao at pagkakaroon ng takot sa Diyos.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *