Excited nang lumipat sa kanilang bagong bahay sina Camille Prats at kaniyang buong pamilya dahil ito’y Almost Done na

Makalipas ang halos dalawang taon ng pagpaplano at konstruksiyon ay naisakatuparan na rin sa wakas ng aktres na si Camille Prats ang dream house nila ng partner na si VJ Yambao. Mayroon itong tatlong palapag at talaga namang hindi biro ang laki.


Photo Courtesy: Camille Prats | Instagram




Inumpisahan nila ang pagpapagawa nito noong taong 2020 at medyo natagalan nga dahil na rin sa pinagdaanan nating pandemiya. “Siyempre the struggle of building it during the pandemic na ang dami naging restrictions and protocols and all those things. Finally we are nearing the finish line. Ito na at palipat na talaga kami.“, pagbabahagi ng aktres.


Photo Courtesy: Camille Prats | Instagram


Photo Courtesy: Camille Prats | Instagram

Laging updated ang aktres sa kaniyang social media posts at ipinapakita niya dito ang progress ng kanilang bahay. Noong nakaraang buwan nga ay sinorpresa niya ang mga netizens matapos nitong ipasilip ang tahanan na halos tapos na.


Photo Courtesy: Camille Prats | Instagram


Photo Courtesy: Camille Prats | Instagram

Kapansin-pansin ang malalaking salamin sa bahay ni Camille at isa ito sa kaniyang paborito dahil gusto niya na makita ang maaliwalas na tanawin sa labas. Samantala, mayroon din silang iba’t ibang sliding doors sa loob at ito ang ipinalit nila sa halip na mga pader ang gawing division ng sala at kusina.


Photo Courtesy: Camille Prats | Youtube





Photo Courtesy: Camille Prats | Youtube

Halos lahat naman ng kagamitan sa kanilang bahay ay moderno at isa nga sa talaga namang ipinaglaban ni Camille sa kaniyang asawa ay ang pagkakaroon nila ng “towel warmer” sa loob ng kanilang bathroom. Ayaw niya kasi na nagiging kulob ang mga ginagamit niyang towel lalo na at madalas ay dalawang beses siyang maligo sa loob ng isang araw.


Photo Courtesy: Camille Prats | Youtube


Photo Courtesy: Camille Prats | Youtube

Ipinasilip rin ng aktres ang ilan sa kanilang mga kwarto at siyempre hindi mawawala sa kaniyang dream house ang isang “walk-in closet”. Sa ngayon ay wala pa itong laman pero nakikita na ni Camille na mapupuno ito ng mga paborito niyang damit at ilan pang mga koleksyon tulad ng sapatos at bags.


Photo Courtesy: Camille Prats | Youtube


Photo Courtesy: Camille Prats | Youtube

Super excited na ngang lumipat ang buong mag-anak at inaantay nalang nilang dumating ang mga inorder na furnitures at tiyak na mai-enjoy na nila ang isa sa malaking blessing nila ngayong taon.
Talaga namang napakaganda ng bahay ng mag-asawang Camille at VJ. Swak na swak rin ito sa lumalaki nilang pamilya.




Leave a Reply

Your email address will not be published.