Heart Evangelista At Chiz Escudero, pinakilig ang mga netizens sa kanilang latest photoshoot

Looking young and inlove pa din hanggang ngayon ang celebrity couple na sina Heart Evangelista at Chiz Escudero. Sa kabila nga ng mga kontrobersya sa kanilang relasyon ay nananatili pa rin itong matatag at patuloy na hinahangaan ng publiko.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram




Sa katunayan, kahit na busy sa kani-kanilang trabaho ay talaga namang naglalaan sila ng panahon para magkaroon ng quality time sa isa’t-isa. Sinusubaybayan rin sina Heart at Chiz sa social media dahil na rin sa kanilang mga ibinabahaging good vibes sa mga netizens tulad nalang ng magagandang travel vlogs.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Maliban dito ay mayroon din silang segment na “Adulting 101” kung saan pinaguusapan nila ang mga bagay na madalas pagdaanan ng ating mga kababayan. Nagbibigay dito ng payo si Chiz at sinasagot rin ang ilan sa katanungan ng kanilang mga tagahanga.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Samantala, kamakailan lang ay pinakilig na naman ng dalawa ang mga netizens matapos ibahagi ang ilan sa kanilang couple pictures na talaga namang nakaka-aliw.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram




Ideya ng aktres na magkaroon sila ng photoshoot ni Chiz at hindi biro ang mga ginawa niya para lang mapapayag ang mister. Siya na rin mismo ang pumili ng magiging outfit nilang dalawa at noong una ay medyo alangan dito ang Senador ngunit sa huli ay hindi na rin nakatanggi pa sa kaniyang magandang asawa.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram

“If you only knew how long it took to have him agree to let me shoot and style him”, caption ni Heart sa napaka-cute nilang picture. Iba’t ibang pose nga ang sinubukan ng dalawa at noong una ay medyo nahihiya pa si Chiz sa harap ng camera lalo na at hindi naman siya sanay sa ganitong setup.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Ngunit nang tumagal ay lumabas na rin ang kulit nito at nakuha ng makipagsabayan sa mga wacky poses ng aktres. Muli na namang pinatunayan nina Heart at Chiz na sa relasyon, “age doesn’t matter” at ang mahalaga, nagkakaintindihan kayong dalawa.




Leave a Reply

Your email address will not be published.