Janice De Belen, ipinasilip ang kaniyang napakandang tahanan na mala-mansyon ang laki

Karamihan sa atin ay nagiging inspirasyon ang mga iniidolo nating artista hindi lang dahil sa angkin nilang ganda o talento kundi dahil na rin sa ipinapakita nilang pagsusumikap at determinasyon sa trabaho. Sa paglipas nga ng mahabang panahon ay nasaksihan natin kung papaano nila napagbuti ang sarili at nakamit ang mga pangarap na gusto nilang maabot.


Photo Courtesy: Janice De Belen | Instagram





Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Isa na dito ang batikang aktres na si Janice De Belen na sa murang edad ay sumabak na sa entertainment industry. Sa loob ng ilang dekada ay marami na siyang naging achievement sa buhay tulad nalang ng kaniyang napakagandang bahay na katas ng sipag sa pagtatrabaho.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Mala-mansyon ang dream house ng aktres at dumaan ito sa ilang renovations para maging swak sa lumalaki nilang pamilya. Kasama ni Janice ang kaniyang mga anak at apo sa bahay kaya naman gusto niya na magkaroon ito ng malawak na espasyo at maging kid-friendly.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Sa tulong ng kaniyang mga kaibigan na architect at interior designer na sina Dong Caritativo, Arlene Andres at Deng Gepanaga ay naisakatuparan ni Janice ang pangarap na bahay para sa pamilya.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website




Ang kanilang pinto ay gawa sa kahoy at pagpasok pa lang ay sasalubong na kaagad sa mga bisita ang isang maaliwalas at malawak na sala. Halos napapalibutan ng glass window ang buong bahay ng aktres kaya naman nakakapasok ang natural light sa loob at hindi nagiging kulob.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Samantala, maliban sa makukulay at naggagandahang art pieces sa bahay ni Janice ay agaw-pansin rin ang kaniyang dalawang kusina na ubod ng linis at ganda. Kumpleto rin ito sa gamit lalo na at mahilig din siyang magluto.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Sa ikalawang palapag naman matatagpuan ang mga kwarto ng buong mag-anak at bawat isa sa mga ito ay mayroong iba’t-ibang disenyo at tema base na rin sa kanilang paboritong kulay. Mayroon din silang mini garden at dito ay makikita ang isang dining table na madalas gamitin nina Janice sa tuwing mayroon silang okasyon sa pamilya.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Nakakainspire nga ang buhay at bahay ng aktres na si Janice de Belen at ang kaniyang ginawang “house tour” ay nagbigay ng ideya sa mga netizens kung papaano mas mapapaganda ang kanilang dream house.




Leave a Reply

Your email address will not be published.