Kilalanin si Raechelle Ricketts ang napakagandang anak na action star na si Ronnie Ricketts

Pagdating sa aksyon at bakbakan ay siguradong hindi magpapahuli dyan ang batikang aktor na si Ronnie Ricketts. Sa katunayan, isa siya sa mga inaabangang aktor at talaga namang hinahangaan sa angking galing sa pag-arte. Hindi rin maikakaila ang pagiging gandang lalaki nito.


Photo Courtesy: Raechelle Ricketts | Instagram




Marami nga ang nahuhumaling sa kaniya ngunit ang nanaig sa kaniyang puso ay walang iba kundi ang kaniyang asawa ngayon na si Mariz. Ang pagmamahalan ng dalawa ay nagbunga ng dalawang magagandang anak. Isa na dito si Raechelle na binansagan ng ilan na “Latina beauty” dahil na rin sa kaniyang ganda na namana niya sa kaniyang mga magulang.


Photo Courtesy: Raechelle Ricketts | Instagram


Photo Courtesy: Raechelle Ricketts | Instagram

Bata pa lang ay nakikita na ni Raechelle kung papano magtrabaho sina Ronnie at Mariz kaya naman simula noon ay nagkaroon na siya ng interes na pumasok sa showbiz. Nag-umpisa siya sa mga workshops at sa tulong nga ng kaniyang very supportive parents ay kinaya niya ang mga challenges at masayang nagagawa ang pangarap na trabaho.


Photo Courtesy: Raechelle Ricketts | Instagram


Photo Courtesy: Raechelle Ricketts | Instagram

Samantala, ganoon nalang ang pagpapahalaga niya sa kaniyang kalusugan at maliban nga sa workshops ay regular rin ang ginagawa niyang workout. Sa katunayan, isa sa mga hobbies ni Raechelle ay ang pagbibisekleta at isa ito sa mga sekreto niya ng pagkakaroon ng magandang hubog ng katawan.


Photo Courtesy: Raechelle Ricketts | Instagram





Photo Courtesy: Raechelle Ricketts | Instagram

Nahihilig rin siya sa martial arts at simula noong bata pa ay coach na niya kaniyang Daddy na kilala ring mahilig sa ganitong klase ng sports. Samantala, sa kabila ng pagpasok sa entertainment industry ay hindi napapabayaan ni Raechelle ang kaniyang pag-aaral at patuloy nga itong nagsusumikap na makapagtapos ng kolehiyo.


Photo Courtesy: Raechelle Ricketts | Instagram

Pangarap niya na maging isang ganap na marine biologist dahil na rin sa kaniyang kagustuan na mapangalagaan at maprotektahan ang likas na yaman ng ating bansa.


Photo Courtesy: Raechelle Ricketts | Instagram

Talaga namang beauty and brains itong si Raechelle kaya naman hindi nakakapagtaka na marami ang sa kaniya ay humahanga. Isa nga siya sa mga sinusubaybayan ng mga netizens dahil patuloy itong nagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataan.




Leave a Reply

Your email address will not be published.