Marami ang humanga sa napakagandang Influencer Pose ng aktres na si Jennica Garcia

Madami sa atin ang gustong mapanatili ang kagandahan ng ating kutis at hubog ng ating katawan. Lalo na sa mga kababaihan at mga ilaw ng tahanan na kung saan matapos manganak ay talagang napapabayaan ang kanilang sarili.


Photo Courtesy: Jennica Garcia | Instagram




Mayroon din namang iilan na talagang napapanatili at naalagaan ang kanilang mga sarili lalo na iyong mga personalidad sa show business kung saan ay kailangan nila para sa kanilang trabaho.


Photo Courtesy: Jennica Garcia | Instagram

Katulad nalang nga ng Aktres na si Jennica Garcia na kahit na paminsan-minsan na lamang lumalabas sa telebisyon ay hindi pa rin napapabayaan ang ganda ng kaniyang kutis at pangangatawan.


Photo Courtesy: Jennica Garcia | Instagram


Photo Courtesy: Jennica Garcia | Instagram

Kahit nga mayroon na siyang dalawang anak ay masasabi mo pa ring makinis at tila dalaga pa rin ang aktres sa kaniyang natatanging ganda. Kamakailan lang nga ay labis na hinangaan ng mga netizen ang litrato na ibinahagi ni Jennica Garcia sa kaniyang Instagram Account.


Photo Courtesy: Jennica Garcia | Instagram




Ang nasabing litrato ay ang kaniyang sarili kung saan makikita ang kaniyang napaka-classy na posing. Hindi mo rin talaga maitatanggi na kahit may anak na ay hindi pa rin kumukupas ang kaniyang kagandahan.


Photo Courtesy: Jennica Garcia | Instagram

Nilagyan naman ito ni Jennica ng maikling caption na nagsasabing “Influencer Pose”. Umani ito ng samu’t-saring komento at mga reaksyon mula sa kaniyang mga kakilala at mga tagahanga.


Photo Courtesy: Jennica Garcia | Instagram

Kadamihan nga ng naging komento ay ang paghanga sa kaniyang walang kupas at natatanging kagandahan. Hindi rin mawawala ang pagtangkilik sa kaniyang pagiging simple.


Photo Courtesy: Jennica Garcia | Instagram


Photo Courtesy: Jennica Garcia | Instagram

Si Jennica Garcia ay ipinanganak noong Disyembre 26, 1989. Hindi rin maikakaila na namana niya ang kaniyang talento sa pag-arte mula sa kaniyang beteranong ina na si Jean Garcia na isang tanyag at magaling na aktres. Ikinasal siya sa kaniyang kapwa aktor na si Alwyn Uytingco kung saan ay nagkaroon sila ng dalawang anak.




Leave a Reply

Your email address will not be published.