Nag-propose na sa aktres na si Maja Salvador ang nobyo nitong si Rambo Nuñez

Sa buhay ng isang tao, may mga bagay talaga na darating nang hindi mo inaasahan. Isang hamak na regular na tao ka man o sikat at tanyag na personalidad sa mundo ng show business.


Photo Courtesy: Rambo Nuñez | Instagram




Tulad nalang nga ng aktres at sikat na mananayaw na si Maja Salvador kung saan ay kamakailan lang ibinahagi na siya at ang kaniyang kasintahan ay engaged na sa isa’t-isa.


Photo Courtesy: Rambo Nuñez | Instagram

Kilala natin si Maja Salvador bilang isang magaling na aktres mula sa kaniyang dating istasyon na Kapamilya Channel hanggang sa Kapatid Channel at ngayon nga ay lumalabas din siya bilang host sa noon time show na Eat Bulaga.


Photo Courtesy: Rambo Nuñez | Instagram

Hindi lamang sa pag-arte magaling itong si Maja kung hindi pati na rin sa pagkanta at pagsayaw at talagang may ibubuga. Kaya hindi na rin nakapagtataka kung kahit saang istasyon ay talagang siya ay nababagay at sumisikat.


Photo Courtesy: Rambo Nuñez | Instagram

Lingid sa ating kaalaman na maganda rin ang takbo ng kaniyang buhay pag-ibig sa kaniyang kasintahan na si Rambo Nuñez. Patunay dito ang kamakailan lang na kaniyang pagbubunyag na silang dalawa ay engaged na sa isa’t-isa.


Photo Courtesy: Rambo Nuñez | Instagram




Ginawa niya ito sa pamanagitan ng pagpost sa kaniyang Instagram account kung saan ay ibinahagi niya ang iilang mga litrato. Makikita rin dito na kaniyang ipinakita ang suot-suot na wedding ring. Makikita rin dito ang litrato nilang dalawa ng kaniyang ngayon ay fiance na talagang emosyonal sa isa’t isa.


Photo Courtesy: Maja Salvador | Instagram

Nagkaroon naman ito ng maikling caption na nagsasabing “My new beginning”. Hindi man masabi kung kailan at kung saan ang naging proposal ng nobyo ni Maja sa kaniya ngunit ayon sa iilang source ay nakita ang dalawang nagbakasyon sa paraiso ng El Nido, Palawan.


Photo Courtesy: Maja Salvador | Instagram


Photo Courtesy: Maja Salvador | Instagram

Sa post naman ni Rambo Nuñez ay makikita ang litrato nilang dalawa na matamis na nagkakatitigan sa isa’t-isa na nangyari sa mismong araw ng naging proposal ni Rambo kay Maja.
Mayroon naman itong Caption na nagsasabing “The best part is yet to come my love” na tila nagpapasabik lalo na sa kanilang mga tagahanga.


Photo Courtesy: Maja Salvador | Instagram


Photo Courtesy: Maja Salvador | Instagram

Matapos nga ang kanilang pag-anunsyo ay inulan naman ito ng mensahe galing sa kanilang kaibigan sa mundo ng showbiz. Nagbigay sila ng pagbati lalo na iyong mga malalapit sa kanilang buhay.




Leave a Reply

Your email address will not be published.