Ibinahagi ng mag-asawang Luis Manzano ay Jessy Mendiola ang mga larawang kuha mula sa kanilang honeymoon trip sa Dubai

Isa sa pinakamaganda at hindi malilimutang pangyayari sa buhay ng mag-asawa ay ang kanilang pag-iisang dibdib sa harap ng Diyos at ng tao. Matatandaang ginulat nina Jessy Mendiola at Luis Manzano ang kanilang mga tagahanga ng isa-publiko nila ang kanilang pag-iisang dibdib.


Photo Courtesy: Jessy Mendiola | Instagram




Marami ang nagpahayag at nagpaabot ng kanilang pagbati sa mag-asawa. Kaya naman, sa pagiging isang taon nila bilang mag-asawa ay nitong nakaraang buwan lamang nila ibinahagi ang kanilang opisyal na honeymoon trip na naganap sa Dubai kung saan pinanganak si Jessy.


Photo Courtesy: Jessy Mendiola | Instagram


Photo Courtesy: Jessy Mendiola | Instagram

Ginawan nila ito ng isang vlog na kung saan ay itinampok at mapapanuod rito na kanilang inihayag sa madla na ito ang kanilang unang pagkakataon sumakay sa eroplano na nasa first class.


Photo Courtesy: Jessy Mendiola | Instagram


Photo Courtesy: Jessy Mendiola | Instagram

Sa unang bahagi ng kanilang vlog ay mapapanood dito na naglaan ng oras ang mag-asawa upang makasama at makipag-bonding sa family side ni Jessy na nakatira rito, kabilang na ang kaniyang ama na si Roger Tawile. Hindi rin pinalampas ni Luis na ibahagi sa bidyo ang mga plano ni Jessy para sa pamimili nito at pamamasyal.


Photo Courtesy: Jessy Mendiola | Instagram





Photo Courtesy: Jessy Mendiola | Instagram

Hindi rin pinalampas ng mag-asawa na mag-vlog ng kanilang naging karanasan sa eroplano sa mahigit siyam at kalahating oras na byahe nila mula Manila papuntang Dubai. Pagkatapos nilang magpalipas ng oras sa Dubai ay nagtungo sina Jessy at Luis sa Al Maha isang luxury collection desert resort at spa na may layong 45 minuto mula sa lungsod.


Photo Courtesy: Jessy Mendiola | Instagram


Photo Courtesy: Jessy Mendiola | Instagram

Iniulat ng isang kilalang entertainment website na ang presyo para sa isang gabing pamamalagi sa nasabing resort ay nagkakahalaga ng 82,000 hanggang 130,000 pesos. Dahil sa kilalang personality ni Luis na pagiging komedyante ay nag-post ito ng isang nakakatawang caption matapos ibahagi ang kanilang honeymoon vlog sa kaniyang YouTube channel.


Photo Courtesy: Jessy Mendiola | Instagram

Ayon nga sa naisulat na kapsyon ng aktor na naturang bidyo, “love is in the air”. Ikinasal sina Jessy Mendiola at Luis Manzano noong Pebrero 21, 2021 na ginanap sa The Farm na matatagpuan sa San Benito sa Batangas.




Leave a Reply

Your email address will not be published.