Pagmasdan ang kagandahan ng anak ni Joel Torre na mayroong pagkakahawig kay Ms. Julia Montes

Ang bawat pag-iisang dibdib ng kilala nating mga artista ay talaga namang inaabangan ng publiko hindi lang dahil sa magarbo nitong preparasyon at dekorasyon. Excited nga sila na magkaroon ito ng mga anak at malaman kung sino ba ang magiging kamukha nito sa kanilang mga magulang.


Photo Courtesy: Marela Torre | Instagram





Photo Courtesy: Marela Torre | Instagram

Sinusubaybayan rin nila ang paglaki ng mga ito at inaalam kung susunod ba sa yapak ng kanilang mga magulang sa mundo ng showbiz. Isa na nga dito ang buhay ng batikang aktor na si Joel Torre. Napangasawa niya si Christy Azcona at nagkaroon sila ng dalawang magagandang anak na babae.


Photo Courtesy: Marela Torre | Instagram

Isa dito ang kinagigiliwan ng publiko na si Maria Raphaela o mas kilala sa palayaw na Marela. Ang kaniyang ganda kasi ay nahahawig sa kilalang aktres na si Julia Montes. Magmula sa hugis ng kaniyang mukha, kilay at mata ay hindi maikakaila na mayroon silang pagkakapareho ng aktres.


Photo Courtesy: Marela Torre | Instagram

Maliban sa angking ganda ay hinahangaan din si Marela dahil sa angkin niyang mga talento lalo na pagdating sa sining. Sa ngayon ay nahihilig ito sa landscaping at painting. Samantala, hindi rin magpapatalo ang dalaga pagdating sa boxing at isa nga ito sa mga workouts niya.


Photo Courtesy: Marela Torre | Instagram


Photo Courtesy: Marela Torre | Instagram




Effective kay Marela ang sports na boxing at isa ito sa mga sekreto ng kaniyang magandang pangangatawan. Samantala, mahilig rin siya sa beach at madalas nga ay nasa labas ng bahay at naghahanap ng adventures. Marami ang nagsasabi na pwedeng-pwede siyang sumunod sa yapak ng kaniyang ama na si Joel Torre ngunit mukhang walang interes si Marela na pumasok sa showbiz.


Photo Courtesy: Marela Torre | Instagram


Photo Courtesy: Marela Torre | Instagram

Mas nai-enjoy niya kasi ang buhay sa labas ng camera at dito mas nailalabas ang kaniyang pagiging malikhain. Ganoon pa man, hindi pa rin maiiwasang maakit niya ang media at noong nakaraan nga ay na-feature siya sa tanyag na Magazine.


Photo Courtesy: Marela Torre | Instagram


Photo Courtesy: Marela Torre | Instagram

Talaga namang hindi lang ganda ang kayang i-offer ni Marela sa masa at sa pamamagitan nga ng kaniyang mga social media accounts ay nagbibigay siya ng pag-asa at inspirasyon sa kapwa niya kabataan.




Leave a Reply

Your email address will not be published.