Proud na ibinahagi ni Kakai Bautista ang kaniyang karanasan noon bilang isang taga-alalay kay Ms. Leah Salonga

Kinikilala ngayon ang angking galing at talento ng singer at komedyanteng si Kakai Bautista hindi lang sa ating bansa kundi pati na din abroad. Tuwang-tuwa rin ang ating mga kababayan sa kaniyang personalidad dahil good vibes ang laging hatid nito sa kaniyang mga viewers.


Photo Courtesy: Kakai Bautista | Instagram




Ngunit marami ang hindi nakakaalam na bago niya makamit ang tagumpay at pangarap na maging kilalang singer ay marami siyang pinagdaanang pagsubok. Naranasan niya noon ang maglakad mula sa EDSA hanggang AFP Theater para makapagtabaho.


Photo Courtesy: Kakai Bautista | Instagram


Photo Courtesy: Kakai Bautista | Instagram

Ilang beses rin niyang tiniis ang gutom para lang makatipid ng pera at magkaroon ng pamasahe papunta sa malalayong lugar na kailangan niyang mapuntahan. Ibinahagi rin ni Kakai na nagsasalu-salo silang magkakaibigan sa isang cup noodles para lang maibsan ang kanilang gutom.


Photo Courtesy: Kakai Bautista | Instagram


Photo Courtesy: Kakai Bautista | Instagram

Hindi nga biro ang mga pagtitiis na ginawa niya para mas lalo pang pagbutihin ang angking talento sa pagkanta. Samantala, nabanggit rin ni Kakai Bautista sa kaniyang Instagram post na noon ay nabigyan siya ng pagkakataon na magtrabaho para sa kaniyang idolo na si Ms. Lea Salonga.


Photo Courtesy: Kakai Bautista | Instagram




“It’s been almost 20 years ago since I had the privileged to serve the one and only LEA SALONGA”, caption niya sa isang larawan kung saan katabi niya mismo ang sikat na singer.


Photo Courtesy: Kakai Bautista | Instagram

Halos isang taon din na naging “wardrobe girl” si Kakai at siya mismo ang nag-aasikaso ng mga damit ni Ms. Lea. Siya na rin ang naglalaba at nagpaplantsa ng mga ito at nagiging katulong sa tuwing kailangan ng mabilisang pagpapalit ng damit sa show.


Photo Courtesy: Kakai Bautista | Instagram

Ganito ang paulit-ulit na ginagawa niya anim na araw sa loob ng isang linggo at minsan ay gusto na niyang sumuko. Ngunit dahil sa mga salita na naririnig niya mula sa idolo ay mas lalong napalakas ang kaniyang loob at mas pinagbuti pa ang kaniyang trabaho.


Photo Courtesy: Kakai Bautista | Instagram

Sa katunayan, siya ang pinakahuling matulog sa kanilang team pero siya din ang pinakamaaga na magising. Talaga namang buo ang pangarap ni Kakai Bautista kaya naman hindi siya tumigil at nagpatalo sa hamon ng buhay.




Leave a Reply

Your email address will not be published.