Isang ganap nang binata ang anak ni Jennylyn Mercado na si Alex Jazz na ngayon ay labing tatlong taong gulang na

Itininuturing na biyaya ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado ang panganay niyang anak na si Alex Jazz. Sa kabila nga ng mga kontrobersiya na kinaharap niya noon ay naging matatag siya at naging sandalan ang anak sa lahat ng kaniyang mga pinagdaanan.


Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Instagram




Ito rin ang nagpapalakas ng kaniyang loob para magpatuloy sa buhay at mas lalo pang pagbutihin ang kaniyang trabaho sa entertainment industry lalo na ang pagiging isang ina. Mag-isang pinalaki ng aktres ang anak kaya naman ganoon nalang din ang pagiging close nila sa isa’t-isa.

Sa katunayan kahit isa ng teenager ay kitang-kita pa rin ang pagiging malapit nito sa kaniyang Mommy. Ipinanganak si Jazz noong August 16, 2008 at noong nakaraang taon ay ipinagdiwang niya ang ika-13th kaarawan kasama ang aktor na si Dennis Trillo.


Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Instagram


Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Instagram

Kinagigiliwan naman ng mga netizens ang social media update ni Jennylyn lalo na at ipinapakita niya dito ang sweet moments nila ng kaniyang panganay na anak. “My favorite pillow”, caption niya sa isang picture kung saan nakayakap siya sa anak.


Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Instagram


Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Instagram




Samantala, marami ang humahanga sa angking kagwapuhan ni Jazz at sinasabi nga nila na pwedeng-pwede itong sumunod sa yapak ng kaniyang Mommy Jennylyn. Tiyak na susunod na hearthrob ito ng kaniyang henerasyon dahil na rin sa magaganda niyang katangian.


Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Instagram


Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Instagram

Matangkad din si Jazz para sa kaniyang edad at kapag ngumiti ito ay nakikita ang kaniyang napaka-cute na dimple. Habang lumalaki naman ay ipinapakita ng bata ang ilan sa kaniyang mga interes at talento na talaga namang sinusuportahan ng aktres.


Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Instagram

Madalas din silang mag-bonding ng kaniyang Mommy at sa katunayan ay game na game si Jennylyn sa lahat ng gustong gawin ng anak. Samantala, hinahayaan naman ng aktres na makita ni Jazz ang kaniyang Daddy Patrick Garcia at mayroon din siyang sapat na oras para mas lalo pang makilala ang isa’t-isa.


Photo Courtesy: Jennylyn Mercado | Instagram

Talaga namang “hearthrob material” si Alex Jazz at mukhang suportado naman ito ni Jennylyn kung sakali mang magkaroon ito ng interes na pumasok sa entertainment industry.




Leave a Reply

Your email address will not be published.