Sila ang ilan sa mga tanyag na artista na nagsimula makaranas ng kahirapan bago maabot ang kasikatan na tinatamasa ngayon

Hindi na bago sa atin na karamihan sa mga kilala nating celebrities ay nakanas muna ng hirap sa buhay bago nila naabot ang tugatog ng tagumpay. Sabi nga nila bilog ang mundo at hindi sa lahat ng pagkakataon ay mananatili lang tayo sa pinakamababang antas ng pamumuhay.

Narito ang ilan sa mga iniidolo nating artista na nagsumikap sa buhay at ginawa ang lahat ng makakaya para makaahon sa kahirapan.

Vice Ganda


Photo Courtesy: Vice Ganda | Instagram


Photo Courtesy: Vice Ganda | Instagram




Kinagigiliwan siya ng lahat at good vibes nga ang laging hatid sa madlang pipol. Isa si Vice sa pinakamayaman na artista sa ating bansa at bukas ang kaniyang kwento sa publiko. Naranasan niya ang halos lahat ng paghihirap habang lumalaki at naninirahan sila noon sa Tondo. Kung anu-ano rin ang kaniyang ginagawa para makatulong sa gastusin ng pamilya at ngayon nga na marami na siyang pera ay hindi niya nakakalimutan ang pagtulong sa kapwa.

Coco Martin


Photo Courtesy: Coco Martin | Instagram


Photo Courtesy: Coco Martin | Instagram

Sikat na sikat ngayon si Coco Martin dahil ang kaniyang pangalan ay nauugnay sa sikat na teleseryeng “Ang Probinsiyano”. Malayo na rin ang narating ng karera niya sa showbiz at marami na ring natanggap na awards.

Ngunit bago ang lahat ng ito ay aminado si Coco na hindi naging madali ang mga pinagdaanan niya para makamit ang tagumpay. Sa katunayan, alam ng kaniyang mga fans na noon ay nakapagtrabaho pa siya bilang isang waiter sa kilalang restaurant. Maliban dito ay naging caregiver din siya abroad at naranasan maging OFW.




Jericho Rosales


Photo Courtesy: Jericho Rosales | Instagram


Photo Courtesy: Jericho Rosales | Instagram

Isa si Echo sa mga inaabangan at hinahangaang hearthrob sa entertainment industry at hindi rin ito magpapatalo pagdating sa paggawa ng magagandang palabas. Kaya naman hindi nakakapagtaka na mas lalo pa siyang naging sikat at hanggang ngayon nga ay tinatangkilik pa rin ng publiko.

Bago ang kaniyang tagumpay ay naranasan noon ni Echo na magtinda ng isda para makatulong sa pamilya. Naging service crew din siya sa isang fastfood chain at nasubukan rin na maging driver.

Marvin Agustin


Photo Courtesy: Marvin Agustin| Instagram


Photo Courtesy: Marvin Agustin| Instagram

Maliban sa pagiging isang sikat na artista ay bumibida din ngayon si Marvin pagdating sa pagkakaroon ng mga successful business. Masasabi ngang nahanap na niya ang kaniyang passion at ito ay walang iba kundi ang pagluluto. May-ari siya ngayon ng iba’t-ibang restaurant ngunit bago ang lahat ng ito ay naranasan niya rin na maging mascot, waiter at kung anu-ano pang trabaho para lang makapag-ipon ng pera.




Leave a Reply

Your email address will not be published.