Ipinasilip ng aktres na si Maris Racal ang kaniyang napakagandang bahay

Hindi akalain ng aktres at singer na si Maris Racal na sa murang edad ay magkakaroon na siya ng sariling bahay. Noong una nga ay halos hindi siya makapaniwala na nangyayari na pala ang noon ay matagal na niyang pangarap. Kaya naman bilang pasasalamat sa mga taong sumusuporta sa kaniya ay pinaunlakan nito ang hiling ng mga fans na magkaroon siya ng isang “house tour”.


Photo Courtesy: Maris Racal | Instagram


Photo Courtesy: Maris Racal | Instagram




Sa kaniyang Youtube channel ay ibinahagi ng aktres ang isang video kung saan nagpapakita ng ilang detalye ng bagong renovate na bahay. Pagpasok pa lang sa pinto ay mapapansin na kaagad na mahilig ito sa arts at sa pader nga na katabi ng hagdan ay nakasabit ang isang painting.

Photo Courtesy: Maris Racal | Instagram


Photo Courtesy: Maris Racal | Instagram

Mayroon din ditong cabinet at malaking salamin na talaga namang gustong-gusto ni Maris. Dito niya inilalagay ang madalas gamitin paglabas ng bahay tulad ng tsinelas, sapatos, payong at pati na rin mga pangunahing pangangailangan natin ngayon kagaya ng facemask, faceshield at alcohol.

Photo Courtesy: Maris Racal | Instagram


Photo Courtesy: Maris Racal | Instagram




Sa ikalawang palapag naman makikita ang sala ng aktres na talaga namang makulay ang dating. Kombinasyon ito ng orange at green na ilan lang sa mga paboritong kulay ni Maris. Humingi rin siya ng tulong sa kaibigan at interior designer na si Carell Garcia para ma-achieve ang gusto niyang look ng bahay.


Photo Courtesy: Maris Racal | Instagram

Photo Courtesy: Maris Racal | Instagram

Kapansin-pansin rin ang mga halaman sa paligid at para sa aktres narerelax siya sa tuwing nakikita ang mga ito. Samantala, marami naman ang natuwa sa ideya niya ng dining area dahil mayroon itong L-shape na black counters. Aesthetically beautiful nga ng dating nito at hindi gaanong matakaw sa espasyo.


Photo Courtesy: Maris Racal | Instagram


Photo Courtesy: Maris Racal | Instagram

Nasa ikatlong palapag naman ang mismong kwarto ni Maris at makikita dito ang ilan sa mga koleksiyon niya ng mga iba’t ibang gitara na niregalo pa sa kaniya ng mga fans. Mayroon din siyang piano na very sentimental sa kaniya dahil regalo ito ng isang kaibigan. Talaga namang napaka-cozy ang dating ng bahay ni Maris Racal at ipinapakita rin nito ang kaniyang happy personality.




Leave a Reply

Your email address will not be published.