Napakalaki ng pagkakahawig ng yumaong aktor na si Rico Yan sa kaniyang pamangkin na si Alfonso Yan

Pinagkakaguluhan ngayon ang larawan ng isang binata na pamangkin pala ng dating aktor na si Rico Yan. Aliw na aliw nga sa kaniya ang mga netizens dahil kahit saang anggulo tingnan ay kamukhang-kamukha siya ng kaniyang Tito.


Photo Courtesy: Alfonso Rafael Yan-Tueres | Instagram




Nakilala ang binata bilang si Alfonso Yan-Tueres at kung papansining mabuti ay pareho silang ngumiti ni Rico Yan. Magkahawig din ang kanilang mga mata pati na rin ang hugis ng mukha. Hindi nga maikakaila na magiging hearthrob ang batang ito pagdating ng oras lalo na at ngayon pa lang ay nagdesisyon na siyang sundan ang yapak ng yumaong aktor.


Photo Courtesy: Alfonso Rafael Yan-Tueres | Instagram

Sa edad na 14 years old ay pinayagan siya ng kaniyang mga magulang na pumasok sa entertainment industry dahil napatunayan naman nito na kaya niyang pagsabayin ang pag-aaral at hilig na maging modelo. Noon pa man ay ito na ang pangarap ni Alfy at kagaya nga ng kaniyang Tito Rico Yan, papasukin niya muna ang mundo ng commercials at dito muna gagawa ng pangalan bago mag-umpisa sa pag-aartista.


Photo Courtesy: Alfonso Rafael Yan-Tueres | Instagram


Photo Courtesy: Alfonso Rafael Yan-Tueres | Instagram

Nag-aaral pa ngayon si Alfy at ipinagmamalaki ng kaniyang Mommy Geraldine na mayroon itong mga academic awards. Isa rin siyang basketball player at madalas ngang sumali sa mga extra-curricular activities sa kanilang paaralan. Lumalaking matangkad ang binata at marami ang nakakapansin na habang nagkaka-edad ito ay mas lalo niyang nagiging kamukha ang yumaong aktor.


Photo Courtesy: Alfonso Rafael Yan-Tueres | Instagram





Photo Courtesy: Alfonso Rafael Yan-Tueres | Instagram

Samantala, tuloy-tuloy ang binata sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap at batid niyang mayroon siyang lugar sa show business lalo na at nananalaytay sa kaniyang mga dugo ang pagkakaroon ng talento sa pag-arte kagaya nalang ng kaniyang Tito Rico Yan.


Photo Courtesy: Alfonso Rafael Yan-Tueres | Instagram


Photo Courtesy: Alfonso Rafael Yan-Tueres | Instagram

Maraming netizens naman ang tuwang-tuwa sa balitang ito dahil para bang nag-iwan ang yumaong aktor ng isang ala-ala para sa kanila. Halos hindi na nga makapag-antay ang mga fans ni Rico Yan na makita ang binata sa mga palabas at handa silang suportahan ang magiging career nito sa show business kung sakali man.


Photo Courtesy: Alfonso Rafael Yan-Tueres | Instagram


Photo Courtesy: Alfonso Rafael Yan-Tueres | Instagram

Ang Mommy naman ni Alfy na si Geraldine ay ipinaubaya na rin ang media career ng anak sa isang kilalang handler at bilang isang stage mom ay all-out support din ang ibinibigay niya sa kaniyang bunsong anak.




Leave a Reply

Your email address will not be published.