Ipinasilip ng aktres na si Kris Bernal ang kaniyang napakagandang tahanan sa California

“The Long wait is over” ilan lamang ito sa mga salitang nabanggit ng Kapuso actress at Strastuck alumnus na si Kris Bernal. Ito ay matapos maproseso ang pagbili niya ng bahay sa Los Angeles, California kung saan naroon din ang kaniyang nakatatandang kapatid.


Photo Courtesy: Kris Bernal | Youtube





Photo Courtesy: Kris Bernal | Youtube

Matagal na itong pangarap ng aktres kaya naman abot-langit ang kaniyang pasasalamat dahil sa wakas ay hawak na niya ang susi ng sarili niyang bahay abroad.
Sa isang video na ibinahagi niya sa “Chika Minute” ay makikitang malaki at malawak ang nabili niyang bahay at mayroon itong dalawang palapag.


Photo Courtesy: Kris Bernal | Youtube


Photo Courtesy: Kris Bernal | Youtube

Sa ibaba ay naroon ang kanilang sala, kusina at dining area samantalang sa itaas naman ang apat na kwarto. Isa dito ay para sa kaniyang Ate na nagtatrabaho bilang nurse sa Amerika at siyempre ang pinakamalaki para sa lahat ay para sa nag-iisang Kris Bernal.


Photo Courtesy: Kris Bernal | Youtube


Photo Courtesy: Kris Bernal | Youtube

Maaliwalas ang compound ng kanilang bahay at sa gilid nga nito ay mayroon silang sariling swimming pool na talaga namang nai-enjoy ng aktres. Samantala, masaya ang aktres sa kaniyang bagong investment dahil mayroon na siyang matutuluyang bahay sa tuwing gusto niyang mamasyal sa Amerika.


Photo Courtesy: Kris Bernal | Youtube





Photo Courtesy: Kris Bernal | Youtube

Maliban dito ay naging blessing pa siya sa kaniyang pamilya at mga kaibigan na madalas rin bumisita sa kaniyang home sweet home. Talaga namang deserve ni Kris ang ganitong pagpapala lalo na at isa siya sa mga kilala nating celebrities na talaga namang ibinnubuhos ang lahat pagdating sa trabaho.


Photo Courtesy: Kris Bernal | Youtube


Photo Courtesy: Kris Bernal | Youtube

Simula nga nang sumali sa reality show at mangarap na maging artista ay buo na ang kaniyang loob sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap. Sa katunayan, kahit anumang natatanggap na negatibong komento mula sa ibang tao ay hindi natigil si Kris at patuloy lang sa pagsusumikap na maibigay ang magandang buhay para sa kaniyang buong pamilya.


Photo Courtesy: Kris Bernal | Youtube


Photo Courtesy: Kris Bernal | Youtube

Sa ngayon ay happily married na ang aktres sa isang businessman at siya rin mismo ay nagiging abala na rin sa iba’t-ibang negosyo tulad nalang ng SHE cosmetics, isang make-up line na mismong siya ang nag-konsepto.




Leave a Reply

Your email address will not be published.