Kilalanin ang napakaguwapong nobyo ni Binibining Pilipinas Celesti Cortesi na isang miyembro ng Philippine Azkals

Ang pagkapanalo bilang Miss Universe Philippines 2022 ay isang malaking achievement para sa beauty queen aspiring na si Celeste Cortesi. Matagal na niya itong pinaghahandaan at talaga namang ibinagay niya ang kaniyang best para masungkit ang nag-iisang korona.


Photo Courtesy: Mathew Custodio | Instagram




Matapos ang coronation night ay marami ang naging interesado sa buhay ng dalaga at pati nga ang kaniyang boyfriend na si Mathew Custodio ay kinilala rin ng mga netizens. Mayroon itong lahing British-Filipino at sa edad na 24 taong gulang ay kabilang siya sa team ng Philippine National Football.


Photo Courtesy: Mathew Custodio | Instagram

Talaga namang hindi maikakaila ang pagkakaroon nito ng matipunong pangangatawan na isa sa kaniyang mga assets. Kinilala rin si Mathew bilang isa sa magagaling na team player at sa katunayan ay kasama siya sa Azkals, ang national team ng ating bansa pati na rin sa local football club na United City FC.


Photo Courtesy: Mathew Custodio | Instagram

Samantala, kahit halos lahat ng mata ay nakasubaybay sa kanila, hindi pa rin nagpapigil ang magkasintahan na ipakita ang pagiging sweet nila sa pamamagitan ng kani-kaniyang social media posts. Sa katunayan, proud sila sa isa’t-isa at madalas ngang mag-share ng couple pictures.


Photo Courtesy: Mathew Custodio | Instagram




Sa isang larawan ay nasabi ng marami na hindi lang sila couple goals kundi body goals din dahil parehas sina Celeste at Mathew na maalaga sa kanilang katawan.
Kilig na kilig nga ang mga netizens sa mga sa pag-iibigan ng dalawa.


Photo Courtesy: Mathew Custodio | Instagram


Photo Courtesy: Mathew Custodio | Instagram

Naging inspirasyon din sila sa nakararami lalo na at nakikita nila kung papaano sinusuportahan nina Celeste at Mathew ang isa’t isa para maabot ang kanilang mga pangarap. Magkasundo din ang dalawa sa mga trainings at sa katunayan ay sabay pa sila minsan sa kanilang mga workouts at diet.


Photo Courtesy: Mathew Custodio | Instagram


Photo Courtesy: Mathew Custodio | Instagram

Maliban dito ay magkasundo din ang dalawa pagdating mga hilig nila kagaya ng pamamasyal sa beach at food trip. Halos malibot na nga nila ang mga beach sa ating bansa at kahit nasa abroad ay sinisiguro nilang makapunta sa dagat. Talaga namang bagay na bagay sina Celeste at Mathew at swak na swak ang personality nila sa isa’t isa.




Leave a Reply

Your email address will not be published.