Silipin ang Modern Asian Home ng magkapatid na Andre At Kobe Paras

Wala nang mas sasaya pa sa pagkakaroon ng sarili mong bahay lalo na kung kasama mo dito ang iyong mga mahal sa buhay. Karamihan nga sa atin ay talaga namang naglalaan ng panahon at oras sa pagpaplano kung ano bang klase at disenyo ng tahanan ang swak sa ating personalidad at pangangailangan ng buong mag-anak.


Photo Courtesy: Andre Paras | Instagram





Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang ilan ay nagpapagawa ng malalaking bahay samantalang ang iba naman ay mas gusto ang katamtaman lamang. Pagdating sa ganitong bagay ay hindi rin magpapahuli ang mga kilalang celebrities at sila nga ang nagiging inspirasyon ng ilan sa ating mga kababayan. Isa na dito ang modern asian home ng magkapatid na Andre at Kobe Paras.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Kilala ang dalawa dahil sila ang mga anak ng batikang basketbolista at aktor na si Benjie Paras. Maliban dito ay sikat rin si Kobe dahil sa angking galing sa basketball sports samantalang si Andre naman ay sa pagiging isang artista.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Ang kanilang bahay ay simple lang at very proud dito ang magkapatid dahil nakita nila habang lumalaki kung papaano ito pinaghirapang mabuo ng kanilang mga magulang. Kaya naman espesyal sa kanila ang bahay na ito at kahit nga abala sa kanilang mga gawain ay talaga namang naglalaan sila ng oras para makauwi.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website





Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Dalawang palapag ang nasabing bahay at ayon kay Benjie ang ideya nito ay nakuha nila habang nanonood ng HGTV at pagbabasa ng mga magazines. Magkatuwang sila ng kaniyang asawa para ma-achieve ang kanilang dream house at sila mismo ang namili ng mga furnitures na gagamitin.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Samantala, minimalist din ang gusto ng dalawa at off-white ang ginamit nilang pintura. Kapansin-pansin naman ang mga halaman at puno sa labas ng kanilang hardin na nakadagdag sa ganda ng compound.


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website


Photo Courtesy: Real Living | Entertainment Website

Sa loob ng bahay ay mayroong malawak na sala at 13-seaters na dining area. Mismong asawa ni Benjie ang naglagay ng mga dekorasyon samantalang tumulong naman sina Andre at Kobe sa iba pang mga gawain. Tig-isa naman ng kwarto ang magkapatid at ngayon nga na mayroon na silang kani-kaniyang lakad ay namimiss nila ang isa’t-isa pati ang bahay.




Leave a Reply

Your email address will not be published.