Ipinagdiwang ni Baron Geisler ang kaniyang ika-apatnapung kaarawan na mayroong sweet na pagbati mula sa asawa

Hanggang ngayon ay mahal na mahal pa rin ni Jamie ang kanyang asawa at aktor na si Baron Geisler. Sa katunayan, sa kabila ng kanilang hindi pagkakaunawaan ay patuloy pa rin ang kaniyang suporta sa mister sa lahat ng ginagawa nito para mapabuti ang kanyang kalagayan.


Photo Courtesy: Jamie Marie Geisler | Instagram





Photo Courtesy: Jamie Marie Geisler | Instagram

Sa ngayon ay hindi sila magkasama sa iisang bubong bilang pagsunod na rin sa payo ng kanilang doktor at counselor. Kailangan kasing sumailalim ng aktor sa isang programa para maiwasan na ang pagbalik niya sa dating bisyo.


Photo Courtesy: Jamie Marie Geisler | Instagram

Magkasundo naman sina Jaime at Baron sa ganitong set up dahil pareho nilang prayoridad na maayos ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa at para na rin sa kapakanan ng kanilang nag-iisang anak na lalaki.


Photo Courtesy: Jamie Marie Geisler | Instagram

Samantala, kamakailan lang ay ipinagdiwang ng aktor ang kanyang 40th birthday at syempre hindi magpapahuli ang kaniyang Number 1 fan at asawa sa pagbibigay ng napaka-sweet na mensahe online. “Happy Birthday, Daddy B! In life’s sunshine or rain, just ride the waves and keep swimming.”, pagbati ni Jamie sa kanyang mister.


Photo Courtesy: Jamie Marie Geisler | Instagram




Kasama ng kanyang birthday message ang larawan kung saan magkasama sila ng aktor habang nasa beach. Muli ngang binabalikan ni Jamie ang mga masasaya nilang ala-ala ni Baron at alam niya na lahat ng nangyayari sa kanilang pagsasama ay plano pa rin ng Diyos at isa lang itong paraan para turuan sila ng leksyon at sa huli ay umaasa siyang magiging maayos din ang lahat.


Photo Courtesy: Jamie Marie Geisler | Instagram

“I know you are trying your very best. Better days are coming, just trust God’s plan.”, dagdag pa nito. Sa huli ay hindi nakalimutan ni Jamie na banggitin ang salitang “We love you” at talaga namang tumagos ito sa puso ng mga netizens. Marami ang humahanga sa kanya dahil ipinakita lang nito kung gaano siya katatag bilang isang babae at ang pag-ibig niya sa aktor ay hindi basta-basta masisira ng kahit anumang pagsubok.


Photo Courtesy: Jamie Marie Geisler | Instagram

“We love you but for now we will enjoy the beach for you!.”,pagwawakas na mensahe ni Jamie. Sa ngayon ay kasama niya ang anak nila ni Baron at sa kabila ng kanilang “long distance relationship” ay patuloy siyang gumagawa ng paraan para magka-usap ang mag-ama.




Leave a Reply

Your email address will not be published.