Masayang ibinahagi ni Wynwyn Marquez ang kaniyang pagdiriwang ng ika-tatlumpung kaarawan na mayroon nang baby

Hindi makokompleto ang buhay ng isang tao kapag hindi mo napagdaanan ang bawat kabanata ang mayroon tayo. Ang maranasan ang pagkabata, pagiging isang mag-aaral, ang pagiging dalaga, at higit sa lahat ang pagiging isang ina na siyang pinakamahalagang parte ng ating buhay.


Photo Courtesy: Wynwyn Marquez | Instagram





Photo Courtesy: Wynwyn Marquez | Instagram

Ito nga ang kabanatang nararanasan ngayon ng aktres at isa ding beauty queen na si Winwyn Marquez. Kamakailan lang ay ipinagdiwang ng aktres ang kaniyang ika-30 taong gulang na kaarawan. Ito rin ang kauna-unahang kaarawan na kaniyang ipinagdiwang bilang isang magulang at ina sa kaniyang anak.


Photo Courtesy: Wynwyn Marquez | Instagram

Ibinahagi niya ito sa kaniyang social media accounts kung saan umani ng positibong reaksyon at mga komento. Ang nasabing pagbahagi ng aktres ay ang pagpost ng litrato nila ng kaniyang bagong silang na anak na si Luna Teresita Rayn. Ayon din sa aktres na ang kaniyang anak ang tinuturing niyang pinakamagandang regalong ibinigay sa kaniya.


Photo Courtesy: Wynwyn Marquez | Instagram


Photo Courtesy: Wynwyn Marquez | Instagram




Sinabi niya rin na ang lahat ay hindi niya minadali at God’s timing daw ang pagdating magmula sa kaniyang love story hanggang sa pagdating ng kaniyang anak na siyang bumuo sa kanilang masayang pamilya.


Photo Courtesy: Wynwyn Marquez | Instagram


Photo Courtesy: Wynwyn Marquez | Instagram

Sinabi niya rin sa kaniyang caption na ang lahat ng bagay ay kusang dumarating kapag tayo ay handa na para rito. Ang ibinigay daw sa kaniya ng Diyos ay higit pa sa kaniyang inaasahan.


Photo Courtesy: Wynwyn Marquez | Instagram

Mayo 01 nang kaniyang ibunyag ang napakagandang balita na nanganak na siya sa kanilang unang anak. Mayo 04 naman nang ipagdiwang ng aktres ang kaniyang ika-30 taong kaarawan. Masaya naman niyang ibinahagi ang litrato ng kaniyang anak sa publiko.


Photo Courtesy: Wynwyn Marquez | Instagram

Pribado man ang kaniyang buhay pag-ibig. Ipinagmamalaki naman ni Winwyn na masaya siya sa kung anong mayroon sila ngayon. Masaya siya sa kanilang buhay pag-ibig lalo na at biniyayaan sila ng napakagandang anak ngayon.




Leave a Reply

Your email address will not be published.