Hinangaan ng mga netizens ang lumang litrato nina Susan Roces at Eddie Gutierrez na kasa-kasama si Elvis Presley

Si Susan Roces ay isa sa mga batikang aktres na talaga namang hinangaan ng publiko sa loob ng mahabang dekada. Nag-umpisa siyang makilala sa mundo ng show business noong labing-isang taong gulang pa lang at agad napasabak sa pelikulang “Mga Bituin ng Kinabukasan”.


Photo Courtesy: Sheryl Cruz | Instagram


Photo Courtesy: Sheryl Cruz | Instagram




Marami ang aliw na aliw kay Susan dahil maliban sa angking talento sa pag-arte ay talaga namang hindi matatawaran ang ganda nito. Simula noon ay hindi na tumigil ang aktres sa pagtatrabaho at naging passion na talaga nito ang pag-arte. Dito niya nakilala ang iba’t-ibang personalidad sa entertainment industry at mas lalo pang lumawak ang kaniyang kaalaman sa napiling karera.


Photo Courtesy: Sheryl Cruz | Instagram

Isa na nga sa naging matalik niyang kaibigan sa showbiz ay ang kilala ring aktor na si Eddie Gutierrez. Magkasabay sila sa mga ginagawang proyekto at parang kapatid na ang turing sa isa’t-isa.


Photo Courtesy: LIONHEARTV

Sa isang throwback picture nga na ibinahagi ni Sheryl Cruz, pamangkin ni Susan, ay ipinakita niya ang larawan ng dalawa kasama ang sikat na singer at aktor na si Elvis Presley.


Photo Courtesy: susanrocespoerever | Instagram




Nakuhanan ang larawan noong nagkataon na magkasama sina Susan at Eddie sa Las Vegas Nevada at dahil nga fan na fan ang aktor ng “Rock & Roll” na si Elvis Presley ay gumawa ito ng paraan para sila ay magkita.

“The King & Sampaguita Stars. Tito Eddie Gutierrez, Elvis “The King” Presley, Mama Inday (Susan Roces) and Mama (Rosemarie Sonora) in Las Vegas, NV, USA.”, caption ni Sheryl Cruz sa kaniyang Instagram post.


Photo Courtesy: susanrocespoerever | Instagram

Samantala, marami ang nagbalik tanaw sa naging buhay ng yumaong aktres at halos lahat sila ay nalungkot sa biglaang pagkawala nito. Lubos na hinangaan si Susan Roces dahil hanggang sa mga huling buhay nito ay ginugol niya pa rin sa pagtatrabaho sa napiling karera sa buhay.


Photo Courtesy: susanrocespoerever | Instagram

“I miss you. You will always be a part of my life. See you in heaven.”, mga salitang binitiwan ni Eddie habang umiiyak at kinakausap ang pumanaw na kaibigan.




Leave a Reply

Your email address will not be published.