Ibinahagi ni Claudia Barretto ang kaniyang napakagandang bakasyon sa Europe na itinuring niyang Graduation Gift para sa sarili

Ibinahagi ni Claudia Barreto ang kanyang bakasyon sa Europa sa pamamagitan ng Social media. Si Claudia Barreto ay ang pangalawang anak ni Marjorie Barreto at Dennis Padilla na unti-unti din nakikilala sa larangan ng musika.


Photo Courtesy: Claudia Barretto | Instagram




Noong nakaaran taon lamang (2017) ay nagsimula siya bilang isang Recording Artist at naglabas ng sariling musika na may title na “Stay” at patuloy na mamayagpag sa industriya.


Photo Courtesy: Claudia Barretto | Instagram

Simula nang pumasok siya sa larangan ng musika ilang taon na ang nakaraan, patuloy siya gumagawa ng pangalan sa industriya katulad ng kanyang kapatid na si Julia Barreto.


Photo Courtesy: Claudia Barretto | Instagram

Siya rin pala ay isang mental health advocate naglalayong bumuo ng isang komunidad na nagtataguyod ng kamalayan sa kalusugan sa pamamagitan ng iba’t-ibang sangay ng media.


Photo Courtesy: Claudia Barretto | Instagram

Kamakailan lamang nagpost si Claudia sa kanyang Social Media upang bigyan ng update ang kanyang mga tagasubaybay sa kanyang bakasyon kasama ang kanyang mga kaibigan sa ibang bansa. Kinakailangan niya mag-ipon ng pera upang makapag bakasyon na itunuturing niya na “Graduation Gift” sa kanyang sarili.


Photo Courtesy: Claudia Barretto | Instagram




Pinatunayan ng kanyang ina na si Marjorie Barreto na walang kapantay ang kanyang kaligayahan nang magtapos ng kolehiyo ang kanyang anak na si Claudia sa Ateneo De Manila University.


Photo Courtesy: Claudia Barretto | Instagram

Si Marjorie ay na kilala sa pagiging supportive na ina sa kanyang mga anak, hinatid niya pa ang kanyang anak na si Claudia sa Airport upang magbakasyon sa Europa, sa katunayan nga nag post si Marjorie sa kanyang Instagram account ng isang litrato ni Julia at kung gaano niya ito namimiss.


Photo Courtesy: Claudia Barretto | Instagram

Pati na rin ang kanyang kapatid na si Dani at Julia na patuloy na nag komento sa mga picture at post ng kanilang kapatid. Patunay lamang ito na kung gaano sila kalapit sa isa’t-isa.


Photo Courtesy: Claudia Barretto | Instagram

Isang magandang ehemplo ang ganitong samahan sa isang Pamilya. Pinapakita nila na kung gaano nila kamahal ang isa’t-isa nasaan ka man parte ng mundo.




Leave a Reply

Your email address will not be published.