Nakabili ng Rest House si Neri Miranda sa napakagandang lugar ng Baguio na tinaguriang The Hillside House

Habang tayo ay tumatanda nagiging simple rin ang ating mga kagustuhan sa buhay, ang ating mga pangarap. Kung dati-rati pinapangarap natin na magkaroon tayo ng mamahaling sasakyan o malapalasyong tahanan, ngayon ang gusto nalang natin ay ang magkaroon ng sariling simpleng tahanan sa isang tahimik ang napakagandang lugar.


Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram




Tulad nalang ng aktres na si Neri Naig-Miranda kasama ang kaniyang asawa na bokalista ng sikat na bandang “Parokya ni Edgar” na si Chito Miranda. Kamakailan lang nga ay ibinahagi nila na nakabili si Neri Miranda ng isang rest house sa paraisong lugar ng Baguio City.


Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram

Sa ganda nga ng mga tanawin sa lugar na ito ay siguradong isa ka na rin sa nangarap na marating ang paraisong ito. Hindi lamang dahil sa magagandang tanawin at pasyalan mayroon ito kung hindi pati na rin sa napakalamig na klima nito.


Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram

Ito na nga rin siguro ang dahilan kung bakit sa lugar na ito napili ng mag-asawa na magkaroon ng kanilang matatawag na pangalawang tahanan. Ngunit para sa karamihan ay hindi lamang ito ang naipundar ng mag-asawa.Sa katunayan ay mayroon na silang iba’t-ibang ari-arian na naipundar sa iba’t-ibang lugar tulad ng Cebu, Cavite, at Tagaytay.


Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram

Dahil na rin ito sa kanilang pagsusumikap at pagiging madiskarte. Bunga rin ito ng kanilang napakadaming business, kaniya-kaniya man o bilang mag-asawa.


Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram

Ang nasabing rest house ay ibinahagi nga nila sa kani-kanilang social media account. Kung makikita nga sa litrato na ipinost ni Neri Miranda ay masasabi mong napakaganda ng lugar na tila tahimik at malapit sa kalikasan.


Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram




Tinawag din nila itong “The Hillside House”. Ayon din kay Neri, binabalak nilang dito magdiwang ng Pasko at Bagong Taon. Sabi pa niya na isa ito sa kaniyang pinakamalaking achievement sa kaniyang buhay sapagkat kung dati sa loob ng 24 na taon ay nangungupahan lang daw sila.


Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram

Wala raw silang mga lupain o tahanan na naipamana sa kanila at isa nga raw ito ang mga dahilan kung bakit sila nagsusumikap ni Chito upang makapag-ipon at makabili ng mga bahay at lupain para sa kanilang mga anak.


Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram

Nagbahagi rin si Chito sa kaniyang social media account ng parehong larawan. Sabi pa niya na nitong nakaraang mga buwan daw ay nagsimulang tumingin ng mga ari-arian ang kaniyang asawa na si Neri sa Baguio.


Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram

Sabi rin niya ang Baguio raw ang isa sa kanilang paboritong lugar na puntahan at pasyalan. Nang Makita nga ni Neri ang lupain at bahay na ito sa gitna ng siyudad ay napagdesisyunan niya itong bilhin.


Photo Courtesy: Neri Miranda | Instagram

Nagprint pa nga raw si Neri ng litrato nito at ipinaskil sa loob ng kanilang tahanan upang paalalahanan siya sa kaniyang layunin na mabili ito. Makalipas nga ng ilang buwan ay binili ni Neri ang bahay na nasa litrato. Patunay lang na walang imposible sa pagsusumikap.




Leave a Reply

Your email address will not be published.