Ibinahagi ni Raymond Gutierrez na natagpuan niya ang pag-ibig at kasintahan sa Los Angeles

Sa panahon ngayon may mga bagay na hindi natin inaasahan na darating sa ating buhay. Isang tao na makakapagpabago sa buhay natin, makakapagpasaya, makakasama sa lahat ng bagay at higit sa lahat magmamahal sa atin ng lubos at walang kapantay; taong tanggap kung ano at sino tayo. Tulad na lamang ng isang tanyag na Host na si Raymond Gutierrez.


Photo Courtesy: Raymond Gutierrez | Instagram




Anak ni Eddie Gutierrez at Annabelle Rama- Gutierrez at Bunso kapatid ni Ruffa Gutierrez; kambal na kapatid ni Richard Gutierrez. Nagsimula siya umarte kasama ang kaniyang kambal na kapatid na si Richard nung sila ay bata pa lamang. Nakasama niya rin ang kanyang pamilya at kapatid sa iilang pelikula. Siya ay kilala sa bansa dahil sa kaniyang kasanayan bilang isang host.


Photo Courtesy: Raymond Gutierrez | Instagram


Photo Courtesy: Raymond Gutierrez | Instagram

Matapos niya manirahan dito sa Pilipinas nagdesisyon siya at ang kanyang pamilya na lumipat sa ibang bansa. Nitong nakaraang taon lamang ay umamin si Raymond sa isang kilalang magazine na siya ay umiibig sa isang espesyal na tao.


Photo Courtesy: Raymond Gutierrez | Instagram


Photo Courtesy: Raymond Gutierrez | Instagram




Ibinunyag rin ni Raymond Gutierrez ang tungkol sa kanyang love life nang tanungin ni Dasovich ang kanyang karanasan sa paglipat sa Los Angeles, California. Ayon sa kaniya naging masaya ang unang ilang buwan niya sa nasabing bansa at nasabi niya rin na noong Enero lamang ay may nakilala siya, at sila ay nasa seryosong relasyon na.


Photo Courtesy: Raymond Gutierrez | Instagram


Photo Courtesy: Raymond Gutierrez | Instagram

Nagulat si Dasovich sa kanyang rebelasyon na wala man lang itong preno sa pagbunyag na mayroon na siyang kasintahan, sagot naman ni Raymond na wala naman daw dapat itago at nagbitaw pa siya ng kasabihan “Live your life now”.


Photo Courtesy: Raymond Gutierrez | Instagram

May dagdag na tanong pa si Dasovich tungkol sa pag sa publiko ni Raymond ng kaniyang kasintahan ngunit maagap na sinagot ni Raymond na ang kaniyang kasintahan ay isang non-showbiz boyfriend at nirerespeto niya ito dagdag niya pa rito na ang kaniyang kasintahan ay hindi daw gusto ng kaniyang kasintahan makuha ang atensyon ng publiko gusto lamang nila maging pribado.




Leave a Reply

Your email address will not be published.