Masayang ibinunyag ng magkasintahang Jason Abalos at Vickie Rushton na sila ay engaged na

Sa dinami-rami ng mga naging magkarelasyon sa industriya ng show business hindi talaga maiiwasan iyong mga samahan na nagiging toxic o hindi na maganda para sa kalusugan ng isa’t-isa, mapa-pisikal man o emosyonal. Dahil na rin siguro sa dami ng mga mata na nakasubaybay sa kanila at dahil na rin sa dami nang nakikialam sa relasyon nila.


Photo Courtesy: Vickie Rushton | Instagram




Ngunit ibahin niyo ang magkapareha na sina Jason Abalos at Vickie Rushton na kahit parehong magkasama sa industriya ay nagkaroon ng “lowkey” at masayang relasyon. Hindi man ganoon ka showy ang dalawa sa publiko ay panigurado namang maganda at masaya ang kanilang pagsasama.


Photo Courtesy: Vickie Rushton | Instagram

Sa katunayan ang magkasintahan na sina Jason Abalos at Vickie Rushton ay engaged na sa isa’t-isa. Ibinahagi nila ito sa kani-kanilang social media account. Sa nasabing post nga ay makikita rito ang diamond ring na siyang ibinigay ni Jason Abalos sa kaniyang kasintahan na si Vickie Rushton.


Photo Courtesy: Vickie Rushton | Instagram

Ayon naman sa caption ni Vickie Rushton sa kaniyang Instagram account, sinabi niya na siya at si Jason Abalos ay mayroong tinatagong maliit na sikreto patungkol sa estado ng kanilang relasyon.


Photo Courtesy: Vickie Rushton | Instagram

Sa nasabing post din ay makikita ang dalawa na magkayakap sa isa’t-isa habang suot ni Vickie Rushton ang napakagandang singsing. Pagbubunyag naman ni Jason Abalos na nakaraang taon buwan ng Setyembre pa raw sila engaged ng kaniyang kasintahan na si Vickie Rushton.


Photo Courtesy: Vickie Rushton | Instagram




Ayon pa sa naging caption ni Jason sa kaniyang Instagram account na habambuhay niyang ipagpapasalamat sa Panginoon na ibinigay sa kaniya si Vickie na talagang kinakilig ng mga netizens. Kung maalala nga natin ay nakaraang taon napagplanuhan ng dalawa na magkaroon ng isang farm house sa isang probinsya.


Photo Courtesy: Vickie Rushton | Instagram


Photo Courtesy: Vickie Rushton | Instagram

Si Jason Abalos ay isang magaling na aktor na kalaunan ay pinasok na rin ang mundo ng pulitika. Si Vickie Rushton naman ay isang aktres kung saan isa ring modelo at naging Beauty Queen din ng ating bansa.


Photo Courtesy: Vickie Rushton | Instagram

Photo Courtesy: Vickie Rushton | Instagram

Para sa karamihan ang dalawa ay parehong naging housemate ng bahay ni Kuya ng kapamilya network. Ngunit sila ay magkaibang batch ng PBB. Ang dalawa ay nagkakilala sa Bacolod noong taong 2010 kung saan mayroong “Kapamilya Caravan” ang Kapamilya network noon.




Leave a Reply

Your email address will not be published.