Brenda Mage, proud na ipinakilala sa mga netizen ang bago niyang kasintahan

Kasabay ng pagdiriwang ng Pride month ay ginulat ng PBB Community Season Fifth Placer na si Brenda Mage ang mga netizens sa kanyang nakakaaliw na Instagram post. Sa loob kasi ng mahabang panahon ay hindi niya ibinabahagi at ayaw ring pag-usapan ang lovelife sa kanyang mga interviews.


Photo Courtesy: Brenda Mage | Facebook




Kaya naman laking gulat ng kaniyang mga fans na makitang mayroon na siyang bagong boyfriend at kasama niya ito sa pagmartsa sa nasabing selebrasyon ng Pride month. “May jowa na ulit ako…”, caption nito sa larawan kung saan kasama niya ang isang lalaki.


Photo Courtesy: Brenda Mage | Instagram


Photo Courtesy: Brenda Mage | Facebook

Ipinakilala ni Brenda si Gio Sta. Ana, na mula sa Sta. Cruz, Laguna bilang kanyang boyfriend at makikita nga sa kaniyang mga social media posts na talaga namang nai-enjoy niya itong kasama.


Photo Courtesy: Brenda Mage | Facebook

Sa katunayan, madalas silang magkasama sa mga adventures at iba’t-ibang lakad tulad nalang ng swimming nila sa isang napakagandang falls kung saan buhat niya pa ang kanyang jowa. Samantala, very open si Brenda sa kanyang mga fans at aminado ito na ngayon ay hindi siya sigurado kung magtatagal ba ang relasyon nila ni Gio.


Photo Courtesy: Brenda Mage | Instagram


Photo Courtesy: Brenda Mage | Instagram




Sa kabila nito ay hindi siya naapektuhan dahil tanggap niyang wala namang bagay na magtatagal hanggang huli at sa ngayon ay wala siyang ibang gusto kundi ang ma-enjoy kung anong ibinibigay sa kaniya ng tadhana.


Photo Courtesy: Brenda Mage | Instagram

Super happy nga si Brenda dahil sa wakas ay mayroon ulit isang tao na nagpapasaya sa kanya at hindi rin nakakalimot na magbigay ng sorpresa. Nakatanggap nga ito ng bouquet of flowers mula kay Gio at talaga namang hindi mapigilang kiligin sa saya.


Photo Courtesy: Brenda Mage | Instagram

Sa kabila ng mga goodvibes na ibinabahagi niya online ay hindi pa rin maiwasang magkaroon ng mga haters at mga negatibong komento tungkol sa kanyang karelasyon. Ang ilan ay nagsasabi pang pera lang ang habol nito kay Brenda at sa huli ay iiwanan lang din siya.


Photo Courtesy: Brenda Mage | Instagram

“Yung magaganda at pogi nga naglolokohan eh ano pa yung ganitong mukha…Ano, para sa inyo lang valid ang happy feelings?”, nakakatawang sagot nito sa kanyang mga haters.




Leave a Reply

Your email address will not be published.