Labis na pagmamahal ang nararamdaman ngayon ni Maymay Entrata para sa kaniyang nobyo dahil siya ay ginawang prayoridad nito

Sa buhay talaga nga naman, napaka-swerte mo kung ikaw ay nakatagpo ng taong magbibigay sa iyo ng pagpapahalaga na siyang iyong nararapat matanggap. Iyong tipong susuklian ang pagmamahal na iyong ibinibigay sa kaniya.


Photo Courtesy: Maymay Entrata | Instagram




Sabi nga nila “Love has no nationality/race” dahil kahit ano pa ang iyong lahi, kapag ikaw ay tinamaan at nagmahal ay paniguradong walang makakapigil dito. Tulad nalang nga ng aktres at dating PBB housemate na si Maymay Entrata kung saan ay natagpuan ang kaniyang pag-ibig sa foreigner na si Aaron Haskell.


Photo Courtesy: Maymay Entrata | Instagram

Ayon nga sa isang panayam sa aktres na si Maymay Entrata ay labis daw ang kaligayahan na kaniyang nadarama sapagkat ramdam na ramdam daw nito ang pagmamahal ng kaniyang kasintahan sa pananatili nito ng ilang buwan sa Canada.


Photo Courtesy: Maymay Entrata | Instagram

Si Maymay Entrata ay nasa bansa ng Canada upang pumasok sa isang acting school roon, samantala sa nasabing bansa rin nakabase ang kaniyang foreigner boyfriend na si Aaron Haskell.


Photo Courtesy: Maymay Entrata | Instagram

Ayon pa kay Maymay na mature na raw mag-isip at kumilos ang kaniyang kasintahan. Bukod dito ay madiskarte rin daw ito at mapagmahal sa pamilya. Sabi pa ni Maymay na napaka-caring din daw nito sa kaniya na siyang labis niyang kinakikiligan.


Photo Courtesy: Maymay Entrata | Instagram





Photo Courtesy: Maymay Entrata | Instagram

Dagdag pa niya na araw-araw daw siyang nahuhulog sa kaniyang nobyo dahil sa pagiging consistent nito. Kung maaalala natin ay buwan ng Enero ngayong taon nang ipost ni Maymay na siya ay nasa Canada, at kakabalik niya nga lang nitong buwan ng Mayo sa ating bansa.


Photo Courtesy: Maymay Entrata | Instagram

Masaya rin ikinuwento ni Maymay ang mga ganap niya kasama ang kaniyang kasintahan noong sila ay nasa Canada pa. Inamin niya rin na nanibago siya sa mga nangyari sapagkat magkasama sila sa Canada at hindi malayo sa isa’t-isa. Ayon pa kay Maymay na marami siyang natutunan sa kanilang relasyon ni Aaron ngayon.


Photo Courtesy: Maymay Entrata | Instagram

Iilan nga rito ay ang pagiging committed sa kaniyang nobyo. Lahat daw ng ginagawa ni Maymay at mga desisyon ay sinasabi raw nito sa kaniyang nobyo. Dagdag pa ni Maymay na lahat ng ipinagdarasal niya at hinahanap sa isang lalaki ay ibinigay daw sa kaniya ng Panginoon.


Photo Courtesy: Maymay Entrata | Instagram

Ipinagpapasalamat niya naman ito araw-araw. Ngayon ngang nandito na naman si Maymay sa Pilipinas ay balik na naman ulit sila sa pagiging long distance relationship. Natural lang naman daw sa kanila iyon at kanila na itong nakasanayan na magkausap lagi sa phone kahit may kani-kaniyang ginagawa sila.


Photo Courtesy: Maymay Entrata | Instagram

Aminado naman ngayon na si Maymay na isa ito sa kanilang malaking hamon na pinagdadaanan bilang magkasintahan. Tiwala sa isa’t-isa ang kanilang kailangan upang malampasan nila ang ganitong pagsubok sa kanilang relasyon.




Leave a Reply

Your email address will not be published.