Lumipat na ang aktor na si Jake Cuenca sa bago nitong tahanan ngayong sila ay hiwalay na ni Kylie Verzosa

Photo Courtesy: Jake Cuenca | Instagram


Photo Courtesy: Jake Cuenca | Instagram




Hindi naging madali para sa aktor na si Jake Cuenca ang nangyari sa kanilang relasyon ng aktres at beauty queen na si Kylie Verzosa. Pareho nga nilang minahal ang isa’t-isa sa loob ng mahigit tatlong taon ng kanilang pagsasama bilang magkasintahan at sa loob ng mga panahong iyon ay wala silang gusto kundi ang kaligayahan ng isa’t-isa.


Photo Courtesy: Jake Cuenca | Instagram

Nasubaybayan rin ng publiko ang kanilang mga adventures sa loob at labas ng bansa at marami nga ang humahanga dahil pareho nilang napagsasabay ang trabaho at personal na buhay.


Photo Courtesy: Jake Cuenca | Instagram

Dahil dito ay marami ang nag-akala na sila na ang magkakatuluyan sa huli ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nauwi sa hiwalayan ang dati nilang matibay na pagsasamahan.


Photo Courtesy: Jake Cuenca | Instagram

Nagdesisyon ang dalawa na ipaalam ito sa publiko lalong-lalo na sa kanilang mga fans na hanggang ngayon ay hindi nawawala ang suporta sa kanilang mga ginagawa. At ngayon nga ay nasa ilalim sina Jake at Kylie ng “moving on stage” at alam nilang hindi ito magiging madali pero gusto pa rin nilang maging magkaibigan sa huli.


Photo Courtesy: Jake Cuenca | Instagram




Samantala, bilang parte ng pagkakaroon ng bagong buhay ay nagdesisyon ang aktor na lumipat ng bagong bahay. Nais niyang bumuo ng bagong memories, at sa kanyang pagsisimulang muli ay walang ibang gusto si Jake kundi mapuno ito ulit ng bagong kasiyahan, pag-asa, pag-ibig at pangarap.


Photo Courtesy: Jake Cuenca | Instagram

“May this new home be blessed with laughter, hope, dreams, goals, creativity and expression. Here’s to new beginnings.”, caption ng aktor sa kaniyang Instagram post.


Photo Courtesy: Jake Cuenca | Instagram

Sa kaniyang bagong condominium ay mag-uumpisa nga ulit si Jake Cuenca sa buhay na wala si Kylie at marahil nakakalungkot ang bagay na ito ay handa siyang pagdaanan ang lahat ng proseso upang sa huli ay maging maayos ang lahat para sa kanilang dalawa.


Photo Courtesy: Jake Cuenca | Instagram

Samantala, mutual ang naging desisyon ng dalawa na maghiwalay at kahit si Kylie ay inakala niya rin noon na sila na ang magkakatuluyan ng aktor sa huli at hindi na niya pagdadaanan pa ang pagiging brokenhearted na naramdaman niya sa mga naging dating karelasyon.




Leave a Reply

Your email address will not be published.