Nakabili ng apartment sa bansang Spain ang napakagandang aktres na si Bea Alonzo

Isa na nga rin siguro sa pangarap ng isang tipikal na Pinoy ay ang manirahan sa ibang bansa. Dahil na rin siguro sa ganda ng pamumuhay doon at sa dami ng oportunidad na mayroon dito. Ang iba naman ay kahit makapag-bakasyon lamang sa ibang bansa ay masaya na at napakalaking achievement na nito para sa kanila.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Youtube




Bilang isang sikat at matagumpay na aktres naman tulad ni Bea Alonzo, ang magkaroon ng sariling tahanan sa Europe para sa kaniyang pamilya ang isa sa kaniyang mga pangarap. At dahil na nga sa sipag at tiyaga ay kaniya itong nakamit.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Youtube


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Youtube

Ibinahagi niya ito sa isang YouTube Vlog. Ibinunyag niya na siya ay nakabili ng isang apartment sa lugar ng Madrid, Spain. Mayroon naman itong caption na nagsasabing, sa wakas daw at nangyari na ang kaniyang pinapangarap lang noon.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Youtube


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Youtube

Makalipas ang maraming taon ng pagsusumikap at pagtatiyaga, pati na rin ang pagtitimpi sa mga bagay na kung bibilhin niya ba o hindi ay sa wakas nabili niya na ang ari-arian na ito. Ayon sa kaniya, gusto raw nito na nasa magandang lokasyon ang kaniyang magiging apartment o pwesto.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Youtube




Mayroong dalawa hanggang tatlong mga kuwarto, elevator, madaming bintana upang makita ang napakagandang tanawin sa labas, at ang heating and cooling system sa apartment. Mayroon siyang 6 na apartment na pinagpipilian. Sa pagtatapos ng kaniyang vlog, ipinahayag niya na binili niya ang apartment na nasa lugar ng Chamberi.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Youtube


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Youtube

Ayon sa kaniya, puwede niya nang bigyang buhay ang apartment na ito kapag mayroon na siyang interior designer. Buwan ng Marso ngayong taon lumipad ng Madrid si Bea Alonzo upang maghanap ng apartment, ito nga ay inabot ng 4 na araw.


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Youtube


Photo Courtesy: Bea Alonzo | Youtube

Maliban sa paghahanap ng kaniyang future home, ang aktres ay naghanap din ng masasarap na foodtrip doon. Ayon pa kay Bea na ang dahilan ng kaniyang pagpunta sa Spain ay hindi dahil sa paghahanap ng trabaho kung hindi lugar upang siya at ang kaniyang pamilya ay may matutuluyan kapag sila ay pumunta roon.




Leave a Reply

Your email address will not be published.