Ibinahagi ni Heart Evangelista na binibigyan pa rin siya ng allowance ng kaniyang asawa na si Chiz Escudero

Walang taong hindi nangangarap na magkaroon ng maganda at marangyang buhay. Marahil minsan ay napapaisip tayo na sana ay magkaroon tayo ng klase ng buhay na mayroon ang ating mga iniidolo. Isa si Heart Evangelista sa mga hinahangaan at iniidolo dahil sa kaniyang husay sa pag-arte at higit sa lahat sa kaniyang galing sa fashion.


Image Courtesy: Love Marie Escudero | Youtube




Aminin man natin o hindi ay talagang maraming tao ang nangangarap sa klase ng buhay mayroon si Heart. Nagmula sa maykayang pamilya, nabibili ang lahat ng kaniyang gusto, nakakapunta sa iba’t-ibang lugar, at hindi lang yun, naging maswerte at maganda ang kaniyang buhay pag-ibig dahil sa pagkakaroon niya ng isang asawa na sobrang suportado siya sa lahat ng kaniyang hilig at naising gawin sa buhay.


Image Courtesy: Love Marie Escudero | Instagram

Ngunit, marahil ay napapaisip pa rin kayo na sa estado ng kaniyang buhay, na kung binibigyan pa rin siya ng kaniyang asawang si Chiz ng allowance, kahit may sariling pera at kumikita na ito mula sa pag-eendorso niya ng mga iba’t-ibang klaseng produkto.


Image Courtesy: Love Marie Escudero | Instagram


Image Courtesy: Love Marie Escudero | Instagram

Ito ay kaniyang binigyang linaw at kasagutan sa isang bidyo na pinamagatang “RELATIONSHIPS, LOVE & MODERN FAMILIES”, ika-pitong bahagi ng Heart’s “Adulting with Chiz” serye. Ito ay isa sa mga paksang kanilang pinag-usapan dahil marami sa kaniyang mga tagahanga ang nagtatanong.


Image Courtesy: Love Marie Escudero | Instagram





Image Courtesy: Love Marie Escudero | Instagram

Ayon sa kaniyang asawang si Chiz Escudero ay totoong binibigyan niya ng allowance ang kaniyang asawang si Heart ngunit ito ay kaniyang binigyang linaw na ang allowance na kaniyang ibinibigay ay para lamang sa mga mahahalagang bagay tulad ng pagkain at panggasolina.


Image Courtesy: Love Marie Escudero | Instagram


Image Courtesy: Love Marie Escudero | Instagram

May pasobra din naman para pang-shopping sa Zara, dagdag pa ng aktres. Kilala ang aktres sa pagkakaroon ng designer outfits, at isa na ang Dior. Love Marie Payawal Ongpauco ang totoong pangalan ni Heart Evangelista.


Image Courtesy: Love Marie Escudero | Instagram

Ipinanganak siya noong Pebrero 14, 1985. Sa parehong buwan din siya ikinasal kay Senator Francis “Chiz” Escudero at ito ay naganap noong Pebrero 15, 2015 sa Balesin Island Club.




Leave a Reply

Your email address will not be published.