Vice Ganda, nanlibre sa ating mga kababayan na OFW sa Singapore na labis na ikinatuwa naman ng mga ito

Sa buhay ng isang tao ay nagugulat na lamang tayo dahil sa mga blessings na dumadating sa ating buhay. Lubos naman ang ating pagpapasalamat sa Panginoon dahil sa walang sawang pag-gabay sa atin at pagbibigay ng pangangailangan natin sa araw-araw.


Photo Courtesy: Vice Ganda | Youtube




Bilang pasasalamat sa kanya ay naiisipan natin na magbahagi ng kaunting blessings sa mga tao na alam nating nangangailangan. Kadalasan ay nasusubaybayan natin ang mga ganitong kaganapan sa mga vlog ng mga iniidolo nating mga artista. Tulad na lamang ng isa sa mga kilala at hinahangaang komedyante ngayon at ito ay walang iba kundi si Vice Ganda.


Photo Courtesy: Vice Ganda | Youtube

Kamakailan lamang ay naglabas ng panibagong Vlog si Vice sa kanyang Youtube account na kung saan ay mayroon itong title na “Ang Pangarap Kong Shopping”. Ang vlog na ito ay ginanap sa Singapore na kung saan alam natin na marami tayong mga kababayang nagtatrabaho rito.


Photo Courtesy: Vice Ganda | Youtube

Kasama niya ang kanyang nobyo na si Ion Perez sa pamamasyal sa Singapore. Habang ang dalawa ay masayang namimili sa mall ng mga kagamitan at kung anu-ano pa, bigla na lamang naisipan ni Vice na manlibre sa kanyang mga kababayan na una niyang makita at makilala sa nasabing mall.


Photo Courtesy: Vice Ganda | Youtube




Dahil sa ginawa na ito ni Vice ay maraming mga netizens ang makikitang natutuwa sa kanyang ginawa para sa mga OFW na kanyang nakilala sa Singapore.


Photo Courtesy: Vice Ganda | Youtube

Nagpasalamat din ang mga OFW na kanyang nabigyan ng biyaya sa araw na iyon. Bago sila umuwi ni Ion sa kanilang tinutuluyan ay napatanong ang kanyang nobyo kung bakit niya nagawa ang ganoong mga bagay.


Photo Courtesy: Vice Ganda | Youtube

Saad ni Vice dahil iyon sa napansin niya ang isa sa mga kababayang OFW na pabalik-pabalik doon sa isang bag na tila gusto nito bilhin ngunit mukhang kapos ito at mayroong pinag-iipunan para sa kanyang mga mahal sa buhay na naniniirahan sa Pilipinas.


Photo Courtesy: Vice Ganda | Youtube

Kaya hindi na umano siya nagdalawang-isip na bilhin ang bag na iyon para sa kanyang kababayan ng sa ganoon ay mapasa niya ito at kahit papaano ay maibsan ang lungkot na nararamdaman. Dito natin masasabi na sadyang mabait at mapagmahal na tao si Vice Ganda.




Leave a Reply

Your email address will not be published.