Niregaluhan ni Gerald Anderson ang kaniyang matagal nang Personal Assistant ng isang brand new na motorsiklo

Sa mundong ito may mga tao talaga tayong makikilala na hindi natin alam kung ano ang magiging parte nito sa ating buhay. Kung magiging kaibigan, kalaban, o minsan pa nga ay siya na palang nakatadhana para sa atin. Tulad nalang nga ng actor na si Gerald Anderson kung saan ay nakatagpo ng isang maasahang kaibigan mula sa kaniyang PA o personal assistant.


Photo Courtesy: Jalal Laidan | Instagram




Sa katunayan ay hindi na iba ang personal assistant ni Gerald Anderson sa kaniya kung kaya’t kamakailan ay niregaluhan niya ito ng isang bagong motorsiklo. Hindi nga maitago ng personal assistant ni Gerald Anderson na si Jalal Laidan ang labis na kasiyahan nito sa ginawang sorpresa sa kaniya ng kaniyang amo.

Photo Courtesy: Jalal Laidan | Instagram

Isang motorsiklo nga ang ibinigay ni Gerald Anderson para sa kaniya at hindi nga nito maipaliwanag ang kasiyahang nadarama niya. Ibinahagi naman ito ni Gerald Anderson sa kaniyang social media account.


Photo Courtesy: Jalal Laidan | Instagram

Photo Courtesy: Jalal Laidan | Instagram

Kung makikita nga ang video na ipinost ni Gerald ay makikita na labis na kasiyahan ang makikita kay Jalal Laidan nang makita niya ang kaniyang pinapangarap na motorsiklo. Ang nasabing regalo ay ibinigay sa kaniya ni Gerald para sa kaniyang kaarawan.


Photo Courtesy: Jalal Laidan | Instagram





Photo Courtesy: Jalal Laidan | Instagram

Dahil na rin siguro sa tagal na rin ni Jalal Laidan ay nagkaroon na sila ng malalim na pagkakaibigan. Kung kaya’t hindi nagdalawang-isip ang aktor na bigyan ito ng isang mamahaling regalo bilang sukli na rin sa kabutihan at pagtatrabaho nito para sa kaniya.


Photo Courtesy: Jalal Laidan | Instagram

Photo Courtesy: Jalal Laidan | Instagram

Sa nasabing post nga ay makikita rin na ilang beses niyakap ng personal assistant na si Jalal Laidan ang kaniyang amo na si Gerald Anderson bilang pasasalamat. Nagtatatalon din ito nang mapagtanto niyang mayroon na siyang sariling motorsiklo. Ibinahagi rin ito ni Jalal Laidan sa kaniyang sariling social media account.


Photo Courtesy: Jalal Laidan | Instagram

Mayroon naman itong maikling mensahe na nagsasabi ng kaniyang pasasalamat sa actor. “Dream come true” ayon pa kay Jalal Laidan. Tinawag niya ring my boss my brother si Gerald na patunay na higit pa sa magkaibigan kung hindi ay halos matalik na silang magkaibigan. Ang motorsiklo naman ay agad ding sinubukan ni Jalal Laidan.




Leave a Reply

Your email address will not be published.