Ipinagmalaki ni Derek Ramsay ang pagtatapos ng kaniyang binatang anak na si Austin sa Southville International School

Marahil ay palagi mong naririnig sa mga magulang ang mga katagang “mag-aral kayo ng mabuti at magtapos dahil yan lamang ang kaya naming maipapamana sa inyo at hindi maaagaw na kahit sino mang tao”.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram




Lahat ng magulang ay iisa lang ang layunin para sa kanilang mga anak, ang mabigyan ng kaginhawaan sa buhay at ang mapagtapos ng pag-aaral.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram

Kapag ikaw ay naging isang ganap na magulang na lahat gagawin para sa iyong mga anak, ano mang balakid ay iyong tatahakin para lang magkaroon sila ng maayos na buhay at mabigyan ng magandang kinabukasan.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram

Bilang isang anak, ang tanging maisusukli mo sa paghihirap ng iyong mga magulang ay ang makapagtapos ka ng pag-aaral at maipakita sa kanila na sulit ang kanilang pinaghirapan.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram

Isa na si Derek Ramsay sa pinakamasayang magulang sa ngayon dahil nakapagtapos na ng high school ang kaniyang anak na si Austin sa Southville International School and Colleges sa Las Piñas noong Hunyo 4, 2022.


Photo Courtesy: Austin Ramsay | Instagram




Bilang isang proud na magulang, ang nasabing tagumpay ng anak ay ipinagmamalaki niyang ibinahagi sa lahat na kung saan ay kaniyang naipost ang mga larawan nang pagtatapos ni Austin sa pamamagitan ng kaniyang Instagram Account na may kalakip na pagbati para rito.


Photo Courtesy: Austin Ramsay | Instagram

Ibinahagi niya rin ang mga larawan kung saan ay kasama nila ang kaniyang asawang si Ellen Adarna na talaga namang napakaganda sa suot nitong itim na damit.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram

Matatandaang noong nakaraang taon ay naging emosyonal si Derek Ramsay, dahil sa pinakaunang pagkakataon ay narinig niyang tawagin siya ni Austin ng “dad”.


Photo Courtesy: Derek Ramsay | Instagram

Si Austin Ramsay ay anak ni Derek Ramsay sa dati nitong partner na si Mary Christine Jolly. Maraming celebrity at mga tagahanga ni Derek Ramsay ang nagpahatid ng kanilang pagbati sa tagumpay ni Austin. Kabilang na rito sina Noel Ferrer, Ogie Alcasid at ang malapit na kaibigan ni Derek na si Pops Fernandez.




Leave a Reply

Your email address will not be published.