Ipinagdiwang ng beteranong mang-aawit na si Freddie Aguilar at kaniyang asawa ang kanilang ika-siyam na anibersaryo

Sa oras na tayo ay umibig sa una man yan, pangalawa o huling pagkakataon, siguradong lahat ng bagay ay ating hahamakin, lahat ng problema ay ating haharapin at lahat ng pagsubok ay paniguradong ating lalampasan. Sabi pa nga nila “Love has no age” na kahit gaano pa kalaki ang agwat ng inyong edad kapag kayo ay nagmahal mananatili na lamang itong numero para sa inyo.


Photo Courtesy: Freddie Aguilar | Instagram




Katulad nalang nga ng mag-asawang si Freddie Aguilar at Jovie Albao kung saan mayroon malaking agwat sa kanilang edad. Sa katunayan ay naging usap-usapan ang kanilang naging relasyon noon at marami ang bumatikos dito. Ngayon nga ay nalampasan na ng dalawa ang pagsubok na iyon at masaya nang nagsasama bilang mag-asawa.


Photo Courtesy: Jovie Gatdula | Facebook

Ito ay dahil na rin sa kanilang pagiging matapang na harapin ang lahat ng hindi sang-ayon sa kanilang pagmamahalan. Kamakailan lang nga ay nagdiwang ang mag-asawa ng kanilang ika-9 na taong anibersaryo bilang magkarelasyon.


Photo Courtesy: Jovie Gatdula | Facebook

Nagbahagi naman si Jovie ng kaniyang mensahe para sa kaniyang pinakamamahal na si Ka Freddie Aguilar. Nagbalik-tanaw nga ang misis ni Ka Freddie na si Jovie sa araw kung saan niya sinagot ito.


Photo Courtesy: Jovie Gatdula | Facebook

Ayon pa sa kaniya na hindi naging maganda ang takbo ng mundo noong pinili niyang ibigin si Ka Freddie. Ganoon pa man ay naging mabait naman sa kaniya ang Panginoon at kung bibigyan daw siya ng pagkakataon na bumalik sa umpisa ay si Ka Freddie pa rin ang kaniyang pipiliin.


Photo Courtesy: Jovie Gatdula | Facebook




Sabi pa ni Jovie na hindi man naging perpekto ang kanilang buhay mag-asawa, para sa kaniya ay tama raw ang kaniyang naging desisyon na piliin ang kaniyang mister na si Freddie Aguilar.


Photo Courtesy: Jovie Gatdula | Facebook

Ang kaniyang mensahe ay ibinahagi niya sa kaniyang social media account. Ayon pa nga kay Jovie na sa dinami-rami raw ng nakapila niyang manliligaw noon ay napaka-swerte raw ni Ka Freddie at siya ang napili nito.


Photo Courtesy: Jovie Gatdula | Facebook

Maswerte rin daw siya dahil siya ang pinili ni Ka Freddie kahit na maraming babae ang mas hihigit pa sa kaniya ang nakapalibot kay Ka Freddie noon.


Photo Courtesy: Jovie Gatdula | Facebook

Sinabi rin ni Jovie na kahit daw hindi naging katanggap-tanggap ang kanilang relasyon sa mata ng mga tao ay ginawa niya naman ang lahat upang maging sapat siya kay Ka Freddie at maging katanggap tanggap sa mata ng Diyos.




Leave a Reply

Your email address will not be published.