Kilalanin natin ang isa mga namamayagpag ngayon sa mundo ng Volleyball sa Pilipinas na nagngangalan na Deanna Wong

Ang sports ang isa sa mga hindi mawawala sa buhay ng mga Pilipino. Bata pa lamang tayo ay mulat na ang ating mga mata sa iba’t-ibang klase ng sports dahil madalas nating nasusubaybayan ang ating ama at maging ang ating mga kuya sa panunuod nito.


Photo Courtesy: Deanna Wong | Instagram




Kung kaya habang tayo ay tumatanda ay nakakahiligan din natin na manuod nito o kaya gusto nating subukang laruin at gayahin ang ating iniidolo sa mga sports na ating napapanuod.


Photo Courtesy: Deanna Wong | Instagram

Tulad na lamang ng isa sa mga kilalang volleyball player na dating miyembro ng Ateneo Lady Eagles na ngayon ay parte na ng Choco Mucho team na si Deanna Wong.


Photo Courtesy: Deanna Wong | Instagram

Sa dinami-dami ng mga player na ating nakilala sa larangan ng sports ay mayroon talagang tumatatak sa ating puso at isipan dahil sa galing na ipinapakita nito sa court.


Photo Courtesy: Deanna Wong | Instagram

Dahil dito ay dumadami din ang kanyang mga fans na gusto din makilala ng lubusan ang kanilang iniidolong player. Usap-usapan ngayon si Deanna Wong na taga Cebu dahil sa kanyang angking galing sa paglalaro ng Volleyball.


Photo Courtesy: Deanna Wong | Instagram




Una siyang nakilala sa larangan ng Volleyball noong nag-aral siya sa Ateneo De Manila. Nakapag laro siya sa UAAP season 79 bilang isang libero at pagdating sa season 80 ay nabigyan siya ng pagkakataon na maglaro bilang isang setter.

Photo Courtesy: Deanna Wong | Instagram

Matapos ang season 80 ay hindi naman nabigo ang dalaga dahil hinirang siya bilang isang best setter na naging daan upang kuhain siya sa isang tanyag na Volleyball team sa Premier Volleyball League.


Photo Courtesy: Deanna Wong | Instagram


Photo Courtesy: Deanna Wong | Instagram

Mas lalong sumikat si Deanna Wong nangg makapaglaro sa koponan na ito dahil sa kanyang galing sa pagiging setter. Hindi man pinalad na masungkit ang pinakamataas na parangal ay naging daan ulit ito kay Deanna upang maging parte ng national team.


Photo Courtesy: Deanna Wong | Instagram

Kasama sana ang dalaga na makakapaglaro sa 31st Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya natuloy dahil sa kanyang natamong pinsala sa kaniyang shin part.




Leave a Reply

Your email address will not be published.