Malayo na ang narating ngayon ng “shining star” na si Francine Diaz at simula nga nang madiskubre ang kanyang talento sa pag-arte ay nagsunod-sunod na ang mga proyekto na ibinigay sa kanya. Una siyang sumubok sa mga commercial shots at endorsement hanggang sa hindi nagtagal ay naging regular na nga ang role niya sa mga palabas sa TV at pelikula.
Photo Courtesy: Francine Diaz | Instagram
Sa murang edad ay namulat siya sa hirap ng buhay lalo na noong umuwi ng bansa ang kanyang ama na dati ay isang OFW. Naranasan nilang magpalipat-lipat ng bahay dahil pinapaalis na sila ng may-ari sa kadahilanang hindi sila nakapagbayad ng renta. Umaabot din sa punto na napuputulan sila ng kuryente at tubig pati na rin ang malipasan ng gutom.
Photo Courtesy: Francine Diaz | Instagram
Ngunit sa kabila ng lahat ng ito ay hindi napigilan si Francine sa kanyang pangarap hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa buo niyang pamilya. Lagi niyang sinasabi sa kaniyang ina na gusto niyang mag-audition at suportado naman siya dito ng kaniyang ina na minsan ay nangungutang pa ng pera para mayroon silang pamasahe papunta sa mga studio o audition centers.
Photo Courtesy: Francine Diaz | Instagram
Photo Courtesy: Francine Diaz | Instagram
Maraming rejections ang natanggap ni Francine at aminado siya na sa lahat ng ito ay umiiyak siya sa kaniyang mama ngunit hindi ito naging dahilan para siya ay sumuko.
Photo Courtesy: Francine Diaz | Instagram
Photo Courtesy: Francine Diaz | Instagram
Kaya naman simula ng mabigyan ng unang project ay ginawa niya ang lahat at talagang pinagbuti ang role na ibinigay sa kaniya. Dito naisip ng batang aktres na kailangan niyang maging matatag at maging mature mag-isip dahil kailangan niyang makatulong sa pamilya.
Photo Courtesy: Francine Diaz | Instagram
Photo Courtesy: Francine Diaz | Instagram
Dahil nga sa kanyang determinasyon at sipag sa pagtatrabaho ay umani ito ng tagumpay at sa ngayon ay unti-unti na niyang nakakamit ang pangarap para sa pamilya. Nakalipat na rin sila sa bago nilang bahay at wala ng takot na balang-araw ay mapapaalis ulit sila sa kanilang tinitirahan.
Photo Courtesy: Francine Diaz | Instagram
Photo Courtesy: Francine Diaz | Instagram
Mayroon na ring ibang pinagkakakitaan ang kanyang mga magulang at sa ngayon nga ay maayos na rin ang pag-aaral ng kanyang mga kapatid. Proud nga si Francine na laking mahirap siya dahil malaki ang naitulong nito para mahubog kung sino siya ngayon bilang isang indibidwal.