Ina Raymundo, masayang ibinahagi na nakapagtapos na ng Highschool ang kanyang napakaguwapong anak na si Jakob

Dumating na naman ang panahon ng pagtatapos ng mga estudyante. Ito ang panahon na talaga namang inaasam-asam ng mga mag-aaral dahil sa wakas ay magkakaroon na sila ng pagkakataon para makapagbakasyon.


Photo Courtesy: Ina Raymundo | Instagram





Photo Courtesy: Ina Raymundo | Instagram

Samantala, ito naman ang panahon kung saan proud na proud ang mga magulang na talaga namang all-out ang support sa kanilang mga anak sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Sunod-sunod nga ang makikita nating graduation photos sa social media at siyempre hindi magpapatalo dito ang celebrity mom na si Ms. Ina Raymundo.


Photo Courtesy: Ina Raymundo | Instagram


Photo Courtesy: Ina Raymundo | Instagram

“Just like you said, high school was easy but brace for university & some intense baseball! We’ll always be proud of you..”, caption ng aktres sa isang larawan kasama ang buo niyang pamilya.

Sa ngayon ay nakabase na ang aktres sa Amerika kasama ang kaniyang asawa na si Brian Portunak, isang Ukrainian-Canadian businessman. Mayroon silang limang anak na sina Erika, Jakob, Mikaela, Anika and Minka na parehong sa abroad ipinanganak.


Photo Courtesy: Ina Raymundo | Instagram


Photo Courtesy: Ina Raymundo | Instagram




Samantala, si Jakob ay nag-aral sa Xavier University na matatagpuan sa Cincinnati, Ohio at maliban sa kaniyang academics ay active din ang binata sa paglalaro ng baseball. Sa katunayan, natanggap siya bilang D1 college baseball player sa kanilang University.


Photo Courtesy: Ina Raymundo | Instagram


Photo Courtesy: Ina Raymundo | Instagram

“After many years of hardwork and dedication to baseball, my son is now officially a Xavier Musketeer.”, proud na pagbabahagi ng aktres. Sa kabila nga ng kaniyang magandang showbiz career ay isinakripisyo ito ni Ina para personal na maalagaan ang kanyang pamilya lalong-lalo na ang kaniyang mga anak.

At sa lahat ng ito ay walang pinagsisihan ang aktres dahil simula sa pagbubuntis hanggang sa ngayon na malalaki na sila ay nasubaybayan niya ang bawat minuto ng kanilang buhay.


Photo Courtesy: Ina Raymundo | Instagram


Photo Courtesy: Ina Raymundo | Instagram

Ngayon nga na dalawa na sa kanyang mga anak ang nakapagtapos ng highschool at ngayo’y kolehiyo na ay napakalaking achievement din ito kay Ina bilang isang mommy. Samantala, kahit na malalaki na ang kanyang mga anak ay lagi pa rin siyang nandiyan sa kanilang tabi para sila ay alagaan at patuloy na gabayan sa kanilang mga desisyon sa buhay.




Leave a Reply

Your email address will not be published.