Ang dati-rating napakacute na Goin Bulilit Star na si Sharlene San Pedro ay nakapagtapos na ng kolehiyo

Alam nating lahat na mahalaga para sa bawat indibidwal ang pagkakaroon ng maayos at magandang edukasyon. Ito nga ang dahilan kung bakit sa murang edad pa lang ay tinuturuan na tayo ng ating mga magulang na pahalagahan ang nakalaang panahon sa pag-aaral.


Photo Courtesy: Sharlene San Pedro | Instagram




Sa katunayan, kahit mga kilalang celebrities ay alam ang bagay na ito kaya kahit na busy sila sa trabaho ay talagang naghahanap sila ng paraan. Isa na dito ang aktres na si Sharlene San Pedro. Kumuha siya ng kursong Bachelor of Arts in Psychology sa ilalim ng online program ng AMA University and Colleges.


Photo Courtesy: Sharlene San Pedro | Instagram

“What she tackles she conquers.”, caption nito sa kaniyang larawan kung saan suot-suot niya ang kulay asul na toga. Inulan ito ng reaksyon at pagbati mula sa mga netizens at karamihan sa kanila ay tuwang-tuwa na sa wakas ay natupad na ng aktres ang pangarap niyang makapagtapos ng kolehiyo.


Photo Courtesy: Sharlene San Pedro | Instagram

“Bilis ng panahon cute cute mo nung napanuod kita graduate ka na ngayon Congrats!”, banggit ng isang netizen.


Photo Courtesy: Sharlene San Pedro | Instagram

Samantala, kasama ni Sharlene ang mga netizens sa kanyang college journey at kamakailan lang ay hinangaan siya dahil sa ginawa niyang thesis project. Mayroon itong title na “In the Limelight: A Phenomenological Study on the Social Media Bashing Experience to the Emotional Health of Selected Public Figures.”


Photo Courtesy: Sharlene San Pedro | Instagram


Photo Courtesy: Sharlene San Pedro | Instagram




Marami ang netizens na naka-relate dito dahil sila rin mismo ay nakita kung paano nakakaapekto sa ating kalusugan ang hindi magandang pakikitungo at pananalita ng mga bashers sa social media.


Photo Courtesy: Sharlene San Pedro | Instagram


Photo Courtesy: Sharlene San Pedro | Instagram

Bata pa lang ay sumabak na sa pagtatrabaho si Sharlene at naging regular siya sa Kapamilya kiddie show na “Goin’ Bulilit”. Simula nito ay sunod-sunod ang mga ginawa niyang project sa entertainment industry at naging abala sa kanilang napiling career.


Photo Courtesy: Sharlene San Pedro | Instagram


Photo Courtesy: Sharlene San Pedro | Instagram

Sa kabila nito ay hindi nawala sa kaniya ang interes sa pag-aaral at nakatapos nga ito ng highschool sa Sanctuary Christian School bilang regular student noong taong 2015. Sa ngayon ay excited na ang aktres sa mga adventures na haharapin niya pagkatapos ng college at patuloy pa rin ito sa pagbibigay ng good vibes sa kanyang mga followers sa social media.




Leave a Reply

Your email address will not be published.