Ito ang masayang bonding moment ng magpinsan na sina Dalia at Thylane na kapwa naghohorse back riding

Nakakatuwa at talaga namang nakaka-aliw ang mga bata lalo na kapag maliit pa lamang ang mga ito at nagsisimula na sumubok at tumuklas ng mga bagong bagay. Totoo nga ang kasabihan na kahit nakakapagod ang pag-aalaga sa mga sanggol ay dobleng saya naman ang ibinibigay ng mga ito sa kanilang mga magulang.


Photo Courtesy: Solenn Heusaff | Instagram




Ganito ang hatid ng magpinsang Baby Dahlia at Baby Thylane sa kanilang mga fans sa social media. Hindi lang sina Mommy Anne at Mommy Solenn ang naaliw sa kanilang pagiging cute at mga kakulitan kundi pati na rin ang mga netizens na laging nakasubaybay sa kanilang mga bagong update online.


Photo Courtesy: Solenn Heusaff | Instagram

Paano naman kasi, nasa loob pa lang ng tiyan ng kanilang mga mommies ay marami na ang tagahanga ng dalawang bata at habang lumalaki ang mga ito ay padami rin ng padami ang kanilang nagiging followers sa social media.


Photo Courtesy: Dalia Amelie Heusaff | Instagram


Photo Courtesy: Dalia Amelie Heusaff | Instagram

Madalas magkasama ang dalawa sa adventures at bonding moments kasama ang kanilang mga magulang tulad nalang ng pamamasyal sa beach o di kaya naman ay paghahanda ng masarap na pagkain.


Photo Courtesy: Dalia Amelie Heusaff | Instagram


Photo Courtesy: Dalia Amelie Heusaff | Instagram




Samantala, kamakailan lang ay muling napasaya nina Dahlia at Thylane ang kanilang mga fans sa ibinahaging Instagram photo ng aktres na si Solenn. Makikita dito na talaga namang napaka-cute nila sa suot na OOTD at tuwang-tuwa habang nakasakay sa maliit na kabayo.


Photo Courtesy: Dalia Amelie Heusaff | Instagram


Photo Courtesy: Dalia Amelie Heusaff | Instagram

May suot pang helmet si Dahlia at kitang-kita ang mga ngipin nito habang nakangiti. Samantala, si Thylane naman ay mukhang sanay na sanay na sa pagsakay sa kabayo at seryoso ang mukha habang nakatingin sa camera.


Photo Courtesy: Dalia Amelie Heusaff | Instagram

“Good morning everyone.”, caption ng aktres sa larawan ng magpinsan. Magandang umaga ang hatid ng celebrity babies sa mga netizens at karamihan sa mga ito ay hindi mapigilang mag-react at magpahayag ng kanilang komento kung gaano nila hinahangaan ang mag-pinsan.


Photo Courtesy: Dalia Amelie Heusaff | Instagram

Talaga namang maganda ang samahan nina Dahlia at Thylane tulad nalang ng pagkakaibigan ng kanilang mommies na sina Anne Curtis at Solenn Heussaff. Tiyak na sa kanilang paglaki ay mas lalo silang magiging close sa isa’t-isa at sabay na aabutin ang kanilang mga pangarap sa buhay.




Leave a Reply

Your email address will not be published.