Labis na ikinatuwa ng mga netizens ang pagrampa ni Heart Evangelista sa beach habang suot niya ang isang napakagandang gown

Kinagiliwan ng maraming netizen ang naging suot ni Heart Evangelista sa isang Beach sa bansang France. Dumalo si Heart Evangelista sa 75th Cannes Film Festival suot ang obra ni Tony Ward Couture. Si Heart Evangelista kinagiliwan ng netizen at local na mga artista sa isang post sa suot niya ng bongga na gown.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram




Noong nagdaan na Mayo 29 ibinahagi ni Heart para sa mga netizen at kaniyang taga hanga na siya ay pumunta ng France upang dumalo sa 75th Cannes Film Festival. Kalakip ng litrato na ibinahagi ni Heart ay ang kaniyang suot sa araw na iyon na talagang nakakamangha na obra ng isang kilalang designer na si Tony Ward Couture.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Ang nakapukaw ng pansin ng mga netizen ay ang kaniyang suot sa isang beach. Kalakip ng kaniyang ibinahagi na litrato ay ang kaniyang caption na “When they give you the wrong address of the party.”


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Marami nakakita ng kaniyang post kabilang na dito ay ang tanyag na mamamahayag sa mundo ng media na si Karen Davila at ang kaniyang kinomento sa post ni Heart ay may kasamang tawa at “And I love it everyone around you deadma.” Mabilis naman itong sinagot ni Heart. Si Heart Evangelista ay isang sikat na actress, endorser at sikat na vlogger sa Pilipinas.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram




Sa isang banda si Heart ay kilala sa social media dahil sa kaniyang mga post. Siya rin ay kasal sa isang pulitiko na si Chiz Escudero na sa kasalakuyan ay gobernador ng Sorsogon. Ayon sa isang ulat, si Heart ay isa sa mga nagpabilib sa mga tao na naroon sa naganap na pagtitipon na iyon. Sa instagram, ipinasulyap ni Heart ang kaniyang Red Carpet moment.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Ayon sa kaniya isang pribilehiyo na makadalo sa nasabing kaganapan. Samantala, sa isang post na video ni Heart na may pamagat na “Adulting With Chiz” kasama ang kaniyang asawa. Habang isinasagawa ang isa sa mga episode ng kaniyang video diretsuhan tinanong ni heart ang kaniyang asawa na si Chiz Escudero na kung ang kaniyang asawa ay binibigyan siya ng allowance dahil madaming nagtatanong tungkol roon.


Photo Courtesy: Heart Evangelista | Instagram

Agad naman ito sinagot ng kaniyang asawa na binibigyan niya si Heart ng allowance ngunit ito ay para lamang sa mga panggunahing pangangailangan lamang at hindi para sa luho.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *