Alamin ang halaga ng naglalakihang matrikula sa mga prestihiyosong paaralan ng mga anak ni Manny Pacquiao

Ang pagkakaroon ng maayos at magandang edukasyon ay malaking tulong sa mga kabataan upang mas lalo nilang mapagyaman ang sarili at makamit ang inaasam-asam na pangarap. Kaya naman halos lahat sa mga estudyante ay nagnanais na makapasok sa mga international schools dahil mas advanced ang curriculum nito kumpara sa mga pampublikong paaralan.


Photo Courtesy: Jimuel Pacquiao Fans Bacolod | Instagram




Ngunit hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makapasok sa mga prestihiyosong paaralan dahil na rin sa matataas nitong tuition fees at iba pang requirements sa school. Samantala, hindi nakakapagtaka na pumasok sa ganitong klase ng paaralan ang anak ng mga kilala nating personalidad tulad nalang ng mga anak ng ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.


Photo Courtesy: Jimuel Pacquiao Fans Bacolod | Instagram


Photo Courtesy: Jimuel Pacquiao Fans Bacolod | Instagram

Aminado si Manny na noon ay hindi siya nagkaroon ng maayos na edukasyon at ngayon na nakita niya ang kahalagahan nito ay wala siyang ibang hangad kundi ang maranasan ng kaniyang mga anak ang “the best” na paaralan sa ating bansa.


Photo Courtesy: Jimuel Pacquiao Fans Bacolod | Instagram


Photo Courtesy: Jimuel Pacquiao Fans Bacolod | Instagram

Kaya naman nagkasundo sila ni Jinkee na ipasok ang kanilang mga anak sa Brent International School kahit na magastos ito at hindi biro ang matrikula. Ang panganay nilang anak na si Jimuel ay nakapagtapos ng Senior High School sa nasabing paaralan at sa loob ng isang taon ay nagbayad sila ng $9,120 o humigit kumulang 419,800 pesos.


Photo Courtesy: Jimuel Pacquiao Fans Bacolod | Instagram





Photo Courtesy: Jinkee Pacquiao | Instagram

Maliban ba dito ang ibang gastusin sa libro at miscellaneous fees na aabot sa $8,085 o di kaya naman ay 396,165 pesos. Halos ganito rin ang bayarin para sa ikalawa niyang anak na si Michael Steven na ngayon ay nasa Senior High School na rin.


Photo Courtesy: Jinkee Pacquiao | Instagram

Samantala ang sumunod namang si Mary Divine o “Princess” at Queen Elizabeth ay parehong nasa middle school na at umaabot sa 403,512 ang tuition fee ng bawat isa sa kanila kada taon. Isang taon pa lang ay mahigit isang milyon na ang gastos sa pag-aaral ng mga anak ni Manny at wala pa dito ang pamasahe at baon ng estudyante.


Photo Courtesy: Jinkee Pacquiao | Instagram


Photo Courtesy: Jinkee Pacquiao | Instagram

Maraming netizens nga ang nalula sa kabuuang gastusin para sa apat na anak at marami sa kanila ang nagsabi na maaari ka ng makapagpatayo ng bahay sa gamit ang ganitong halaga o di kaya naman ay makapagpatayo ng malaking negosyo. Ngunit para sa mag-asawang Pacquiao, handa silang gumastos basta’t masiguro na de kalidad na edukasyon ang nakukuha ng kanilang mga anak.




Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *